Happy New Year!!!
~~~
Almost one week na ang nakalipas, masasabi kong maganda pala ang ang naging resulta ng pag-alis ko sa bahay. Gumaan ang pakiramdam ko kahit paano di ko masydong inaalala ang mga problema naming mag-asawa. Nakikita pa rin naman kami kahit paano dahil may mga subject kaming magkaklase pero umiiwas talaga ako lalo't kapag kasama nito si Camille.
Thankful rin siya dahil di siya iniwanan ng mga kaibigan niya si Kathy at si Sofia kahit wala pang alam. At kay Clark, hmm... pursigido ang loko sa panliligaw. I cannot image na itutuloy nito ang panliligaw sa akin. Lahat na yata ng diskarte sa panliligaw ginawa na nito sa loob ng isang linggo. Andyan na haranahin ako sa loob ng klase o sa buong campus. Padalhan ako araw araw ng bulaklak. Madaming kinilig sa ginawa nitong pagsigaw ng "I LOVE YOU DAPHANE!"sa kalagitnan ng basketball game. O di ba ang haba ng hair ng lola ninyo. Kahit ko kinilig sa ginawa nito. Kung sa isang babaeng katulad ko isang fairy tale ang may prince charming, pero ang prince charming ko ay hawak nang iba. Buti na lang may knight and shining armour siya. Hay! Ang sarap mangarap kaso pasaway ang puso ko si Arvin pa rin ang may hawak nito pero alam ko sa tamang panahon mawawala rin ito.
Napalingon na lang ako na may nagbukas ng pinto ng kwarto ko. "Princess, are you ready?" Ang Mama ko pala. Nalimutan kong sabihin umuwi muna ako sa mansion dahil sa pakiusap ang parents ko sa huling pagkakataon mabuo ang pamilya naming. Dahil bukas ang aalis na ako papuntang California, doon ko ipagpapatuloy ang aking pag-aaral sa medisina. "Dalaga na nga ang princess ko..." niyakap ako nito ng mahipit. "Anak, sorry ha! Walang magawa si Mama sa mga nangyari. Sabihin mo lang kung ayaw mo na at kami mismo ng Daddy mo ang mag-aayos ng divorce papers ninyo sa California.
"Ma, I'm okay! H'wag kayo mag-alala kaya ko po ang lahat. At isa pa may usapan kami ni Arvin. At tamang tama sa pagbabalik ko dito dala ko na ang hinihingi niyang kalayaan. At maitatransfer rin sa akin kung anong dapat sa akin..." ginantihan ko ito ng isang mahigpit na yakap. Ayaw kong mag-alala ang aking ina, kung kaya ko naman ang lahat bakit kailangan ko sila pasakitin ang ulo.
"Thank you, anak!. Napakasuwerte naming ng Daddy mo sayo. I love you baby ko..."
"I love you too, Ma!"
"Wow! Pasama naman sa power hug ninyo..." It's my Dad. Lumapit ito at niyakap kami ni Mama.
"Dad, pwede po bang after ng graduation dalawin ko si Papa sa sementeryo?"
"Sure! Pupuntahan natin ang Papa mo."
"At Dad, may graduation ball mamaya po. Susunduin po ako ni Clark dito sa bahay..." alam ng magulang ko na nanliligaw si Clark sa akin. Di naman tutol ang mga ito sa panliligaw ni Clark sa akin.
Niluwagan nito ang pagkakayakap sa amin ni Mama. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Daddy. At ang mukhang di maipinta. "Hmmm... yan bang lalaking yan ay seryoso sayo? Baka lolokohin ka rin?"
Kumalas siya sa pagkakayapos sa kaniyang Mama. "Ang Daddy ko talaga para di dumaan sa pagbibinata. For sure sa gwapo mong yan ang dami mo rin pinaiiyak na babae. Tama po ba ako Mama?" Pabiro kong wika sa aking ama.
"Hahaha... Stan na target ka ng anak mo. Tama ka princess habulin ng mga chicks ang Daddy mo noong araw. Kaya nga ang tawag sa kaniya noon CHICKS MAGNET..." natatawang biro ni Mama kay Daddy.
"Sweetheart, noong di pa kita nakikilala oo pero nang nakuha mo ang atensyon ko. Di na ako tumingin pa sa iba.." hinalikan nito ang kaniyang ina.
"Asus...Alam ko naman patay na patay ka sa akin noon kaya wala kong kawala sa charm mo." Yumakap ito kay Daddy ulit. "Kasi mahal kita at mahal mo ako. Kahit nagkalayo tayo di nawala yon. kahit matagal na panahon tayo nagkahiwalay, andito ka pa rin sa puso ko Stan. Mahal kita! Di lang gwapo ka o mayaman ka o macho ka (natatawang sabi ng ina niya at ikinawit nito ang dalawang braso sa leeg ng ama niya) o gwapo ka ulit. No condition sweetheart."
"Alam ko po..." At hinalikan ng ama ang ina sa labi.
"Ehermm... SPG po may bata pa..." biro sa mga ito.
Nagkatingin silang lahat at sabay sabay nagtawaan. Ang sarap pag masdan kapag nakikita mong ganitong kasaya ang pasasama ng mag-asawa. Di nagsasakitan, walang lamangan, walang mataas, walang mababa at lalo walang kondisyon ang pagmamahal. Kaya pagdating ng oras makahanap siya ng taong magmamahal sa kaniya gusto niya ganito. Kahit anong pagsubok ang nangyari sa buhay naming mag-asawa walang makakatibang.
"Ang saya naman..." sabay sabay kaming napalingon sa nagkomento. It is Arvin, nakasandal ito sa may hamba ng pinto. Ang gwapo nitong sa suot na polo at slack pants. Kahit nagkikita sila sa school di niya ito tiningan. Ngayon lang ulit niya napagmasdan na medyo pumayat ito pero andon pa rin ang tikas ng pangangatawa nito at idagdag mo pa ang clean cut na buhok. Kahit gusto niyang lapitan sa huling pagkakataon di na niya ito ginawa. "Hay Dap! Tigil!" saway niya sa sarili.
"O Iho kanina ka pa dyan?" My Dad asks him.
"Nope! Kararating kong lang. Shall we?" Arvin replied.
"Okay! Let's go!" Masayang bigkas ni Daddy. Inalalayan na ni Dad si Mama palabas ng room ko. Nauna ang mga ito sa akin. Susunod na dapat ako nagpinigilan ako ni Arvin.
"Abby..."
"A-arvin..."
"Can we talk after graduation ball?"
"Huh?" Gusto niyang iwasan ito pero nakaharang ito sa pinto. "Ano pa ba ang dapat natin pag-usapan?"
"We need!" Humugot muna ito ng isang malalim na buntong hininga. "I heard you leaving tomorrow?" Balik na tanong nito sa akin.
"Ah! Oo..." maikling sagot ko dito.
"Bakit napakaaga? Pwede naman next week?"
"Para saan pa? Wala na naman tayo dapat pag-usapan at isa pa wala akong gagawin dito. Naayos ko na ang lahat ng dadalhin ko..." para na paso ako sa mga tingin nito. Di ko maintindihan bakit ganito ngayon ang reaction ni Arvin sa pag-alis ko. Dapat masaya na ito at mawawala na ako sa patingin niya.
"Ganon ba! Hmmm... sino ang escort mo sa graduation ball mamaya?" Napaigtad siya paghaplos nito sa braso niya.
"S-si Clark..."
"Tara na baka mahuli pa tatayo sa graduation. " Walang ganang wika nito.
~
"Wahhhh nga bessyyy graduate na tayo..." sigaw ni Kathy. Papalapit sa amin ni Sofia.
"Ang inggay mo talaga Kathy..." mataray na sita nito kay Kathy. "Hmm... mga bessy see you mamaya. Naghihintay si Mommy na sa akin, bye love yea!" Humalik na ito sa mga pisngi naming.
"Ay! Sina Mama at Papa naghihintay sa akin. Wait asan ba si Coco Jam ko. Ayon... COCO JAM wait!" natatawa na lang siya ginawang paghabol nito kay Drew.
"Princess..."
Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. "Mama..."
"Tayo na at kanina pa tayong hihintay ng Daddy mo at asawa mo." Ngiti na lang ang sinagot ko dito. Kapag nasabi ng magulang na asawa ko na papailing na lang siya. Alam niyang tinutukso siya ng mga ito kahit alam ng mga ito ang nangyari.
~0~
Enjoy reading po!
No review
no edited
Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️
ChickLitGalit siya sa akin dahil sa ginawa ng mga parents namin. Di ko naman kasalanan kung pumapaibig pa ang mga magulang namin. Nagkataon lang pareho daw silang malungkot at wala nang sabit kaya ayun boom nagpakasal sila. Nang dahil sa kanila naging delub...