Ch. 9: Missing

58 2 0
                                    

meanwhile, inside Leon Sangria....

"Rigz, nasaan na ba si Gabe? antagal naman nyang bumalik!" tanong ni Jiro na nagsalin ng Cerveza sa shot glass nito. sinunod nitong iniinom ang hard cider at sinimot ang natitirang laman ng spicy beef nachos. "ilang litro ba yung ihi nya at hindi matapos-tapos? uwi na tayo, umiikot na ang paningin ko tang*na."

Jiro slurred, waving his shotglass aimlessly in the air and shouted, amidst the heavy noise inside the bar. si Luke naman, kanina pang bagsak at nakadukdok ang ulo sa mesa. ginawa pa nitong unan ang wala ng lamang plato ng isa pa nilang pulotan kanina, na ito lang ang umubos.

"hmmm, pupuntahan ko na ng makauwi na tayo. baka may nakita lang kakilala yun at nag-usap dyan sa tabi. imposibleng nakatulog sa CR yun, hindi yun madaling malasing." wika ni Rigor na nilagok muna ang laman ng shotglass nya saka tumayo. "bantayan mo yang si Lucas. baka mamaya gumulong yan dyan sa sahig, kakahiya."

"oo na, alis na. gusto ko ng umuwi. dali na Rigor, bagal mo."

binatukan ito ni Rigor at tumawa lang ang gunggong. napailing sya at tinungo ang men's comfort room but to his surprise, wala ito doon. he looked around, even went outside but he didn't see his cousin anywhere. malabo namang nasa VIP section ito dahil wala itong membership doon, at wala rin silang kakilala na may membership sa naturang bar. kaya isandaang porsyento syang sigurado na wala sa loob, ni sa labas ang pinsan.

He doesn't want to doubt or panic kaya naman nagtanong sya sa isang grupo na nakatambay sa labas ng bar, malapit sa exit. halatang hindi pa lasing ang mga ito dahil matitino pa magsalita.

"uhm, good evening." he said, greeting them.

"good evening din po." ganting bati nila sa kanya. Rigor smiled at them, and asked them about his cousin.

"I just wanted to ask something , if it's alright." he said.

"sure thing po, fire away."

"did you happen to see a tall guy, wearing a dark blue long sleeve polo?" he inquired. "naka-rolyo ang manggas ng polo nya hanggang siko, nakasuot din sya ng pilak na hikaw at itim ang jeans na suot nya at puting sneakers. moreno sya at bilugang singkit ang mga mata."

nagkatinginan ang mga ito at sabay na timingin muli sa kanya at umiling.

" sorry po, pero wala kaming nakitang  ganyan na dumaan dito sa 'min. ang totoo, iilang tao pa lang po ang nakita naming lumabas mula sa bar. and the man you described to us is not among them."

dito na kinutoban ng masama si Rigor. hindi aalis si Gabriel ng hindi sila kasama dahil ito at sya lang ang magmamaneho sa pick-up truck ng shop. kaya nga hindi sila naglasing ng husto kahit pa mataas ang alcohol tolerance nilang dalawa.

" s-sige, salamat. pasensya na sa isturbo, guys." aniya saka pumasok muli sa bar. habang papasok, he fish his phone out of his jeans pocket and dialed Gabriel's number. ngunit dial tone lang ang narinig nya sa kabilang linya. He just keep tapping his cousin's number but still, no one picks up his calls.

He tried again. and again. still nothing. Rigor didn't gave up and still tried to reach out to Gabriel but as he's nearing their table, kamuntik na nyang mabitawan ang cellphone.

there, on the table near the plate Luke's head is sleeping on....

is Gabriel's cellphone.

Rigor immediately grab the phone and he could see his name on the scren and a dozen missed calls from him and Gabe's sister and his cousin, Gift. kumakalabog na sa kaba ang  puso nya kaya dali-dali nyang ginising ang tulog na ring si Jiro.

"Jiro Benedict, gising!" tawag nya na niyugyog ito ng malakas. "gising ano ba! Jiro!"

"ueee!??!!" sigaw nito na inaantok syang tiningnan at napakamot pa sa ulo nito. "pambihira ka Rigor! makayugyog ka naman, wagas! para mo ng matatanggal ang balikat ko! bakit ba, ha? anong problema mo?!"

Alejandro's HombreWhere stories live. Discover now