Ch. 12: Welcome to the Dark Side

78 3 0
                                    

"tingin mo, may duda kaya sa 'tin yung Doktor na amo ni Gift?"

Jiro queried, as they're having a cigarette break outside the hospital premises. Rigor is exhaling the white smoke of his Marlboro ice blast up in the air. Jiro on the other hand is doing the same with his Marlboro Red. the two of them are sitting on the plastic chairs outside of a retail store, 800 meters away from the hospital Gabriel is admitted. mas pinili nila dito dahil maliban sa malayo ito sa ospital, hindi rin marites ang may-ari ng tindahan. idagdag pa na malaya silang nakaka-sindi ng sigarilyo dito na walang sisita sa kanila.

"whether he doubts us or not, it doesn't matter." Rigor answered, drawing another smoke from his ice-cold menthol cigar then blow it out again. "wala rin naman syang mahihita dahil wala tayong sinabi. ang mahalaga sa ngayon... kung pa'no natin mahahanap ang mga ulupong na yun. hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nasisingil."

"pareho lang naman tayo. medyo matagal na rin. my hands are itching to break some fuckers bones." Jiro said, throwing the cigarette butt on the ground, stomping on it forcefully, as if imagining it's a person he's stepping on. "we need to meet the guys, Rigz. it's time."

"I know. but we need to do this carefully. ayokong sumabit tayo dito, Jiro." wika ni Rigor, lighting another stick. "nangako ako kina Mama na hindi na ako babalik ulit sa gawaing yun. pero ngayong nangyari to kay Gabe, mukhang may papakuin akong pangako."

"I'm game of you are. they're just one call away if you decided to do it." Jiro said. Rigor nodded and they stayed there for a while. umorder na rin sila ng dalawang bote ng ice-cold Cerveza, just to pass time. ang balak nilang magpahinga, hindi na nila nagawa.

tahimik lang sila habang humihithit-buga ng kani-kanilang sigarilyo. Rigor's mind remembered the people they were before---kung sakali mang matuloy ang binabalak nila ngayon. He remembered the people they used to be---and how they vowed not to go back again in that path they once turned their backs for good.

"let's not open the shop for today, Jiro. gusto kong pag-isipan ng mabuti ang lahat. kailangang hindi tayo sumabit dito." Rigor said as they made their way home. nasa abangan sila ng jeep, katapat ng mamahaling unibersidad ng Metropolis, ang Holy Grail University. hindi nya tuloy maiwasang may maalala sa elite na skwelahang ito. He immediately shook those unnecessary thoughts off. Hindi ito ang tamang oras na isipin nya ang taong yun.

"Rigz, CR muna ako. sama ka?"

"sige. dun tayo sa Mall."

binaybay nila ang kalye papasok sa Imperial Paragon Mall, ang pinaka-malapit na pwede nilang puntahan. mahigpit na pinagbabawal ang pag-ihi kahit saan sa ciudad at ang mahal pa ng multa. sa ground floor men's comfort room sila dumiretso. matapos nilang ipalabas ang bigat ng pantog, naghugas na sila ng kamay sa sink nang may pumasok na tatlong lalaki na sa labas pa lang, dinig na nila ang tawanan ng mga ito. the two just lets them, as they're fixing themselves infront of the mirror.

"tingin nyo, buhay pa kaya yun?" tanong ng isa sa kasama nito habang naka-harap ang mga ito sa urinals. likod lang nila ang nakikita nina Rigor at Jiro dahil nasa bandang likuran nakapwesto ang salamin.

"sino? yung binugbog natin kagabi?"

"oo. yun nga. tingin nyo ba, expired na yun ng iwan natin dun sa building?"

"haist, ambobo mo talaga, t*ngina." wika pa ng  isa sabay tawa ng malakas. "sa tingin mo ba, sa lakas at dami ng pasa nun at sugat, mabubuhay pa yun? ni pagdilat nga siguro ng mata, hindi na nun magagawa. baka nakakalimutan nyo, tayong tatlo ang walang humpay na sumuntok dun. naalala nyo pa ang mukha nya? epic, tol! magang-maga!"

Rigor and Jiro gripped the edge of the counter. gets nila kung sino ang pinag-uusapan ng mga gago. and they're currently seeing red.

" hoy! magsitahimik nga kayo. hindi lang tayo ang tao dito,
mga hunghang!" saway ng isa pa. "baka mamaya nyan, may magsumbong pa kay Boss. malilintikan pa tayo. gamitin nyo nga yang utak nyo."

Alejandro's HombreWhere stories live. Discover now