CHAPTER 1

257 5 0
                                    

PABLO

"Will you marry me Joy?." tanong ko sa matagal ko ng kasintahan habang nakaluhod.

Nakatingin naman sya sakin ng nakatakip ang bibig at umiiyak. Hinatak nya ako patayo at niyakap.

"Yes I will marry you!." sagot nya sakin kaya naiyak na ako. Nagyakap naman kaming dalawa ng mahigpit.

"Wooooooh! Congratulations Paulo and Joy!." sigaw ng mga kasama namin.

Lumapit naman sila isa isa samin at binati kaming muli. Nandito kami sa Havre De Grace nagyon at ang alam lang talaga ni Joy ay get together lang dahil off namin ngayong araw na to.

"Pre congratulations!." bati ni Stell sakin.

"Salamat pre!." nakipag apir pa ko sakanya.

Sumunod naman lumapit sakin sila Ken, Josh at Jah na binati rin ako.

"Salamat mga pre at sa pagtulong nyo sakin sa pag aasikaso ngayong araw na to. Alam ko marami tayong mga schedules at alam kong pagod din tayo pare parehas pero nagmemake way talaga kayo para tulungan ako sa plano na to." sabi ko sakanila.

"Syempre Pinuno ka namin at alam namin kung gaano mo kamahal si Joy. Di ba Joy?." baling naman ni Josh sa fiancée ko.

Nakita ko namang ngumiti ng malapad si Joy sakanila at tumingin sakin. Maya maya lang ay nagpaalam si Joy sakin na kakausapin ang mga kaibigan nya na kasama din namin ngayon. Nakita ko ang kilig at saya nya ng makasama na nya ang mga kaibigan nya.

"Grabe pre! Ikaw talaga ang unang mag aasawa sating lima!." sabi ni Josh sakin at nakipag apir pa.

"Pre mag 30 kana pwede ka na mag girlfriend para nun makapag asawa kana." sagot ko sakanya at tumawa naman ang tatlo pa naming kasama.

"Di pa nga sya sinasagot ng nililigawan nya e." tukso ni Justin sakanya.

"Hoy! Malapit na mag wait lang kayo!." natawa naman kami kay Josh dahil kinurot nya pa sa braso si Jah na pinagtatawanan pa rin sya dahil ang tagal ng nanliligaw.

Nag saya kami ng gabing yun. Kasama rin namin ang family ko na supportive din sa naging desisyon ko na to. Napakasaya ko dahil umoo si Joy sakin. Matagal na kaming magkasintahan. Medyo nag cool off lang kami nung nag uumpisa palang ang grupo namin dahil na rin sa sobrang dami naming dapat unahin at dahil na rin sa priorities. Sa totoo lang ay nagkabalikan lang kami 2 years ago ulit at ngayon na nakikita kong okay naman na at talagang nakikilala na kami dahil sa tour namin nagpasya na akong magpropose sakanya.

Kababalik lang namin sa pangalawang world tour namin at ngayon ay nag aasikaso na kami ng Half a Decade Anniversary namin na gaganapin one month from now at ng Asia Tour namin na magsisimula na rin pagkatapos ng anniversary fanmeet concert namin.

Nag matapos ang gabing yun ay hinatid ko na si Joy sa condo nya at umuwi na rin sa condo ko dahil kinabukasan ay madami pa akong kailangang gawin as a CEO ng 1Z Entertainment at syempre dahil may mga events din kaming sunod sunod na nakaline up.

KINABUKASAN ay maaga akong nakarating sa building namin at dumiretso na muna ako sa studio. Naabutan ko naman agad sila Stell na sayaw nanaman ng sayaw. Malamang nag titiktok na naman to.

"Ayos naba yung para sa fanmeet?." tanong ko.

"Oo okay na buo na daw sabi ni Kuya Jay." sagot naman ni Stell.

Pumunta naman ako agad sa couch para maupo na muna at tingnan kung sino ang namessage sa phone ko.

Pagbukas ko ng phone ko ay nakita ko kaagad ang message ni Joy sakin na may sinend saking mga beach wedding theme. Napangiti naman ako at nagreply sakanya ng heart react. Magtatype pa sana ako ng reply sakanya kaya lang biglang dumating sila Ken kasama ang mga dancers at nag aya ng mag meeting para makapagstart na kami ng practice.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon