CHAPTER 22

68 2 2
                                    

LIGAIA

"Kailangan kong umuwi sa LA Gaia pero babalik din ako." sabi ni Rana sakin habang nag aasikaso ng pang dinner namin.

"When?."

"Tomorrow is my flight."

Magsasalita pa sana ako ng biglang may mag doorbell.

"Ako na." sabi ko sabay tayo at punta sa pintuan.

"Magandang magandang magandang gabi sa inyo mga binibini! It's yo boy Stell!." masiglang bati ni Stell pagbukas ko ng pinto.

Natawa naman ako.

"Huy kasama rin ako." habol naman ni Jah na may bitbit na pagkain.

"Ano nanaman ba Stell?!." inis na sabi ng kapatid ko sabay snob pa.

"Naku hindi ka ata welcome Stell." kantyaw ni Jah.

"Ano yan Jah?." tanong ko at lumapit pa sa hawak nyang lalagyanan na may pagkain.

"Luto ko yan." pagmamalaking sabi ni Stell at kinuha pa ang hawak ni Jah.

"Wow! Tamang tama hindi ako gutom." sabi ni Rana kaya natawa ako.

Susmiyo tong kapatid ko talaga pagdating kay Stell.

"Bad ka Ate." sabi ko.

"Baka kapag natikman mo yang luto ko mainlove ka Harana Harana." sabi ni Stell na kinanta pa ang pangalan ng kakambal ko.

"You wish Stellvester." sabi nito sabay snob ulit.

Natatawa nalang kami ni Jah sa dalawang to.

"Tara sa kusina tayo." aya ko sakanila.

"May kanin kayo? Di ako nagsaing sana may kanin kayo."

"Hindi kapa inaaya kumain." sungit na sabi ni Rana.

"Sakto wala pa kayong ulam kanin lang meron sabi ko na tamang tama ang punta ko dito eh."

Nag ayos na kami ni Jah ng dining table habang ang dalawa ay nagbabardagulan pa.

Nagulat ako ng tumunog ang phone ko na nasa lamesa.

Napatingin ako dun.

"Si Pablo." sabi ni Jah na mas malapit sa phone ko kaya nakita nya agad.

Inabot nya sakin ang phone at tiningnan ako ng tiim.

Ngumiti lang ako bahagya sakanya.

"Salamat."

Lumayo na muna ako sakanila at pumunta sa kwarto ko.

[

"Are you busy Sweetheart?." bungad nya.

"Kakain na kami ng dinner. Nandito si Jah at si Stell."

"Ah okay okay sorry. Mamaya nalang ako tatawag. Kain ka ng mabuti Sweetie." malambing na sabi nya.

Nagpaalam na ako sakanya at inend ang call.]

Lumabas na ako agad ng kwarto pagkatapos ng call. Nakita ko naman na nakaupo na ang tatlo sa hapag.

"Ang tagal mo sino ba yon?." tanong ni Rana sakin.

"Boss ko may tinanong lang na file." sabi ko.

"Bakit kailangan mo pang pumunta sa kwarto yun lang naman pala ang tinanong?." sabi pa nya.

Napatingin ako kay Jah na nakatingin din sakin.

"Ang ingay nyo naman kasi ni Stell eh."

"Kain na tayo jusko po nagugutom na ako wag ka na mag imbestiga Harana." sabi ni Stell na kumuha na ng kanin at inilagay sa plato ng kapatid ko.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon