CHAPTER 26

58 2 1
                                    

LIGAIA

Parang hindi pa nagpoprocess sakin ang sinabi ni Rana kaya tulala pa ako. Nakita ko na si Pablo na tuwang tuwa at nagtatatalon na kasama ang apat.
Nang makabawi na ako ay nagsalita na ako.

"No." sabi ko.

"No." nilakasan ko pa iyon para marinig nila.

"Gaia." lumapit naman sakin si Rana habang si Pablo ay napahinto na sa pagtalon at napatingin sakin.

"Sweetheart why? May problema ba? Cold feet?." lumapit na si Pablo sakin at hinawakan na ang mga kamay ko kaya nabitawan na ako ni Rana.

"No. I don't want to rush marriage. There are things na kailangan pang ayusin bago yan. Si Joy. Isn't is unfair on her?." sabi ko na naiiyak na.

Gusto ko rin ikasal pero alam ko na dapat ayusin muna ang mga bagay kay Joy bago kami kumilos.

Naramdaman ko na hinawakan ni Pablo ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko na tuluyan ng tumulo. Nilapit nya ang mukha nya sakin at pinagdikit ang mga noo namin.

"Shhhhh. Okay ay I'll fix it first just promise me you're going to marry me." sabi nya habang nasa ganun posisyon parin,.

Tumango ako ng bahagya kaya ngumiti na sya at hinalikan ang noo ko.

"Can I just bring her to my condo Rana?." tanong nito kaya hinampas ko sya sa braso.

Nagtawanan naman ang lahat.

"It feels good na kahit papano hindi ka na kinakabahan kapag hinahalikan kita." sabi nito kaya mahina ko pa syang sinampal sa mukha at tumawa.

"Jusko ayaw ko ng mag review ng CCTV." sabat naman ni Jah kaya tumawang muli ang lahat.

Nagulat ako ng biglang lumapit si Ken samin.

"I'm glad na hindi pa pala kayo ikakasal, I can still get you from him." sabi nito ng seryoso tapos biglang ngumiti ng samaan sya ng tingin ni Pablo.

"Joke lang ikaw naman." nag peace sign pa sya.

"O sige na tapusin nyo na ang last set ng training nyo tapos pahinga na may shoot pa si Ken at Gaia for magazine bukas."

"She's going with me in my condo right Rana?." baling ni Pablo sa kakambal ko na ngayon ay nakaangkla na agad sakin.

"If that is what Gaia wants, I'll agree." sabi nito sakin at ngumiti pa.

"Bili lang kami ng drinks tapos bik na para after nyo may mainom na kayong nakakarefresh." sabi ko at niyaya na ang kapatid ko.

RANA

I was all alone tonight. Haaaaay namiss ko kaagad ang kakambal ko. But I know happy naman sya kung nasaan man sya ngayon.

Pahiga na sana ako ng may mag doorbell pa. Teka anong oras na alas dyes na ng ata ah sino naman ba to?

Sumilip na muna ako bago ko buksan. Aba malay ko ba kung sino to baka mamaya kidnapper pala.

Pagsilip ko ay si Stell. Ano nanaman bang kailangan neto?

Binuksan ko na ang pinto.

"Hi! I'm Stellvester Ajero your boy next door." sabi nito.

As usual umikot nanaman ang mga mata ko.

"Bakit ba tuwing bubungad ka para kang palaging nagpapakilala sa pageant?." tanong ko.

"Iopen mo na may dala akong drinks." itinaas nya pa ang mga hawak nyang drinks.

"I don't drink.Bye" sabi ko at akmang isasara ang pintuan pero hinarang nya ang katawan nya.

"I know kaya may chuckie ka dito." sabi nya at tinulak ng mabuti ang pinto para bumukas.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon