CHAPTER 20

69 4 2
                                    

LIGAIA

Mamayang 1pm pa ang flight namin ni Pablo pa Dubai. Nakapag ayos naman na ako ng mga dadalin ko. Nag aasikaso na ako ngayon para pumunta muna sa office dahil may nakalimutan akong documents na dadalin ko rin.

"Are you going to bring your luggage na ba Gaia?." tanong ni Rana na kakababa lang sa kwarto at kakahilamos lang. She insisted na ihatid ako.

"Yeah dahil 10 am kailangan nasa airport na to check in." sabi ko habang nag aayos ng mukha.

Naramdaman ko na yumakap sa likod ko ang kapatid ko.

"Goodluck sis at please lang wag kang tatakas ng inom dun when you feel pain. Call me Gaia para may makausap ka kesa iinom mo lang. I'm here okay? Kahit sa kalagitnaan pa ng tulog ko ikaw tumawag okay lang." malambing na sabi nya habang nakayakap.

Ngumiti naman ako sakanya.

"Ikaw anong gagawin mo today?." tanong ko.

"I'll be buying stuffs for our new condo. I wanted it to be complete na para mabilis lang din makalipat." sabi nito at inayos na ang mga gamit ko na dadalin.

"Ako na jan sa handcarry." sabi ko.

Pagkatapos ko ay hinatid na nya ako sa office.

Pagdating ko ay kinuha ko kaagad ang documents na kailangan ko at nag check ng emails konti tapos bumaba na rin sa lobby.

Pagbaba ko ay nakita ko na agad si Pablo na naghihintay sa lobby. Wala naman akong magagawa kundi lumapit.

"Tawagan ko na si Kuya Bert para matulungan tayo sa mga dala natin?." sabi ko pagkalapit.

"No ako na. Yung sasakyan ko ang gagamitin hindi na tayo magpapadrive." sabi nito at tumayo na.

"Wait paano? Iiwan mo ang sasakyan sa airport?." tanong ko.

Kinuha nya ang maleta ko. Ayaw ko sana ibigay pero mapilit sya na sya na ang magbibitbit.

"Nasa airport na si Papa at Mama sila maguuwi ng sasakyan." simpleng sabi nito at lakad na papunta sa parking. Sumunod naman na ako sakanya.

Pinagbuksan nya pa ako ng pintuan bago nya ilagay sa likod ang mga bagahe namin.

Habang bumibiyahe ay hindi kami nag uusap.

Tulad ng sabi nya, nasa airport na nga ang parents nya na mukhang galing sa bakasyon.

Naka Business Class ang seat namin ni Pablo kaya sa VIP Lounge kami dumiretso para maghintay.

Habang naghihintay ay  nagbukas ako ng laptop para kahit papano ay makapagtrabaho ako kahit konti. Nagulat ako ng maglapag ng hot coffee si Pablo sakin at tumabi.

"Thanks. Sorry may need kaba? If you want something sabihan mo lang ako." sabi ko.

Nakakahiya naman ako yung secretary pero sya pa ang nagbigay ng coffee sakin.

"No sige ipagpatuloy mo lang yan." sabi naman nya.

Nakikibasa sya nung una sa ginagawa ko pero maya maya rin ay nag phone na rin sya.

MAHABA ang byahe namin pa Dubai.  Gabi na rin ng makarating kami. Nagpunta na kami agad sa kanya kanya naming room pagdating namin.

Naisip ko na baka nagugutom na sya kaya pagbaba ko palang ng gamit ko ay kumatok na ako agad sa katabing pinto lang ng room ko.

Pagbukas nya ng pinto sakin ay may kausap sya sa phone kaya hindi muna ako nagsalita.

"Okay Ate Bea. I'll ask her nalang. Thank you." sabi pa nya at ibinaba na ang phone.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon