CHAPTER 14

55 3 0
                                    

LIGAIA

As expected napagalitan naman talaga ako kay Kuya Jay dahil sa pag inom ko kagabi at hindi ko pagpasok ng maaga. Pagkatapos naming mag usap ay umalis na rin sya dahil tapos na ang practice ng lima.

Habang nag sushoot ng Showbreak ay nag excuse muna ako para umakyat sa taas para kuhanin ang phone ko at kuhanin din ang laptop para sa studio nalang ako magtrabaho at kahit papano makapag assist ako kapag may kailangan.

Pagbukas ko ng phone ko ay sunod sunod na nag pop up ang mga notifications ko. Sa dami ng notif na nakita ko isa lang ang pinagtuunan ko ng pansin.

[ From: Pablo <3

Gaia, I'm really sorry.]

Natulala naman ako sa nabasa ko. That's too short but it hurts. Him saying sorry hurts me that much.

Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko at nakitang si Rana ang tumatawag. Malamang galit to dahil hindi ako macontact ng ilang araw dahil busy ako.

[

"Are you okay Sis?" malumanay na bungad nya na ikinagulat ko naman.

Pinilit kong pasayahin ang tono ng pananalita ko.

"Yes of course! How bout you? Sorry for being busy this past few days kasama kasi ako ni Josh sa mga events to dance tapos nagwowork pa ako ng ibang paperworks. You know naman I realy need to earn." mahabang sabi ko na sinamahan ko pa ng tawa.

Narinig ko ang malalim nyang paghinga.

"I'm happy your enjoying your work Gaia. Just keep me updated kasi para hindi ako nagwoworry. I really miss you Sis."malambing nyang sabi.

"O sya sige na Rana I really have to go. Bababa muna ako sa studio dahil may shoot yung lima. Bye sis! I love you!." masigla ko parin sabi.

"Bye sis. I love you." sabi nya at inend ko na ang call.

]

Pag end ko ng call ay tumulo na ng tuluyan ang luha ko. I don't want her to be worried. I want to tell her that I'm hurting right now pero ayaw ko dahil ayaw ko na banggitin pa ang pagkakamali ko.

Pinunasan ko nalang ng mabilis ang mga luha ko at kinuha na ang kailangan ko ng kuhanin para makababa na ulit.

Papasok na sana ako ng pintuan ng The Zone ng masalubong ko si Joy na papasok din.

"Hi!." bati nya sakin.

Ngumiti lang ako bahagya at pinauna ko na syang pumasok bago ako tutal sya naman nauna diba.

Luh?

Pagpasok ko ay dumiretso ako sa isang sulok para dun na magstart ng mga hindi ko nagawa kaninang umaga na hindi ako nakapasok.

I'am reading a document ng may lumapit sakin.

"Hi Gaia! Can I ask you a favor?." sabi nito. Si Joy.

Tumingala naman ako sakanya dahil nakasalampak ako sa floor at sya ay nakatayo.

"I brought snacks for them kasi,can you please buy some drinks for refreshments?." sabi nya at ngumiti pa.

Tumingin naman ako sakanya.

"I remember na pinakilala ka nila sakin as Paulo's secretary diba, since I'm his fiancée soon to be wife, so pwede na rin naman siguro akong makisuyo sayo?." dugtong pa nya.

"Ano yon?." tanong ni Pablo paglapit samin. Hindi sya tumingin sakin kay Joy lang sya nakatingin.

"I asked her if she can buy some drinks kasi nagdala ako ng snacks for all of you. Hindi ko na kasi kayang bitbitin yung mga drinks if kasabay ko yun binili and thought of your secretary and decided to just ask her to do it when I'm here na." malambing naman nitong sabi sa lalaki at umangkla pa.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon