LIGAIA
"Nice shot! You really have the chemistry!." sabi ng photographer.
Patapos na kami sa photoshoot namin at tuwang tuwa ang mga nasa paligid namin dahil sobrang smooth daw ng mga shots namin ni Ken.
"Okay na okay na! Super satisfied na . Thank you Ken and Ms. Gaia!." sabi pa nito ulit.
Nagpunta naman kami agad sa dressing room ni Rana dahil gustong gusto nya talaga na sumama kahit na kasama naman namin sila Ate Lei at Xianne.
"Ang gaganda ng mga kuha nyo sis!." excited na sabi ni Rana sakin habang pinupunasan ang mga butil butil na pawis ko sa mukha.
Ngumiti naman ako sakanya at kinuha ang phone ko para icheck kung may message ba si Pablo.
Pagtingin ko ay wala. Naku baka busy yun.
"May mga bts ako dito Gaia para pang post kapag ilolaunch na ang magazine gusto mo makita?." tanong ni Xiannes sakin.
Tumango naman ako dahil kahit ako rin ay excited sa mga nangyayari.
"Gaia may another shoot ka nanaman na inooffer solo mo naman. Omygad! Mukhang may bago ng artist ang 1Z ah." sabi ni Ate Lei na ngayon ay tuwang tuwa.
"Naku Ate Lei bata palang kami artistahin na talaga yan. Talented na artistahin pa." pagmamalaki naman ni Rana sakin.
"Huy ikaw rin naman Rana eh." sabi ko naman dahil nahihiyan na ako sa pagbibida ng kakambal ko sakin.
"Naku mukhang pang business at office work ang linyahan ko Ligaia diba sabi nga ni Mommy ikaw daw talaga ang star ng bahay." natutuwang sabi nya.
Para naman akong nalungkot ng mabanggit si Mommy.
"I wish Mom is here Ate."sabi ko ng malungkot.
"Nakikita ka ng Mom nyo Gaia and I'm sure she's proud sa inyong dalawa." sabi ni Xianne at hinawakan pa ang kamay ko.
"Thanks Xi." sabi ko sabay ngiti.
"O tara na pack up na tayo." - Ate Lei.
Pagdating namin sa 1Z Building ay agad akong umakyat sa office ni Pablo pero wala sya dun. Si Kuya Yani lang ang nadatnan ko.
"Kuya wala si Boss?." tanong ko sakanya.
"Nag leave ah di ba nagsabi sayo? May aasikasuhin daw na importante. Ang dami tuloy pending pwede mo ba akong tulungan sa iba para pagdating nya pirma nalang?." sabi ni Kuya Yani.
Tumango nalang ako. Umupo na ako sa lamesa ko. Bago ako magstart sa mga gawain ay tinawagan ko sya sa phone nya pero hindi nya sinasagot hanggang sa nakapatay nalang iyon.
Hinayaan ko nalang baka emergency kaya rin ganun.
Inumpisahan ko na ang mga trabaho kasama si Kuya Yani.
"Gaia pwede bang pacheck ulit nung last inventory ng elesbi? Para sana maout na natin at makapag proceed na tayo sa new era."
"Okay Kuya baba muna ako." paalam ko sakanya.
Pagbaba ko sa The Zone ay naabutan ko pa na nandun si Rana kasama si Josh,Stell, at Ken. Pinapanuod sumayaw ni Josh at Ken ang dalawa.
"Marunong rin palang sumayaw tong kakambal mo e Gaia." sabi ni Stell kaya nakita kong hinampas sya sa braso ni Rana.
Natawa naman ako.
"Parehas kaming dancer Stell pinush ko lang yung akin sya kasi focus sa business yan." sabi ko naman na sandaling huminto pa sakanila.
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
FanfictionThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3