FINAL CHAPTER

102 5 2
                                    

PABLO

Sobrang kabado ako kaya lakad ako ng lakad pagkatapos akong ayusan ng glam team.

"Paulo umupo ka nga. Napapano kaba?." sabi ni Stell na ngayon ay inaayusan na.

Kinakausap nya ako gamit ang salamin.

"Kinakabahan yan pre." sabi ni Josh at tumawa pa kaya tumingin ako ng masama sakanya.

"Ano ba? Hindi mo ba kayang makasama sya sa shoot? Ako nalang sabihin mo tutal nakatrabaho kona sya." sabi naman ni Ken.

"Pablo at Ligaia scene nga diba? Si Pablo kaba?." pagsusungit ko kay Ken at inisnob pa.

"Yan na si Chona!." sigaw ni Jah at tumawa pa ang mga kasama namin.

"Hello po. Pa ready na daw po si Pablo pwede na daw po lumabas. Sila po ni Ms. Gaia ang mauunang kukuhanan." sabi ng staff ng sumilip sa pintuan ng dressing room namin.

"Tara na Pau." aya ni Mima James sakin.

"Hah!." nagbuga muna ako ng malakas na hangin bago maglakad na palabas.

Narinig ko pa ang tawanan ng apat. Humanda sila sakin mamaya.

Video scene to ng sportswear na ineendorse namin. May solo kaming video ni Gaia.

Nang matapos kaming iinstruct kung paano ang gagawin ay kinausap pa ako ni Gaia.

"Are you okay? Para ka namang masusuka sa itsura mo." tanong nya sakin ng medyo natatawa dahil sa itsura ko.

"Okay lang ako Sweetheart. Kaya ko to." sabi ko pa sakanya.

"Okay 3,2,1 action!." sigaw ni Direk.

Tumatakbo kunwari kami ni Gaia sa isang field. Nauuna sya sakin at hinabol ko sya para magkapantay kami ng pwesto.

"Hi!." sabi ko.

Hindi nya ako papansinin kunyari at tatakbo para mauna sya ng konti sakin. Binilisan ko ang takbo ko. Bigla akong nadapa.

"Cut!." sigaw ni Direk.

"Aw!." sabi ko dahil ang sakit ng tuhod ko.

"Bakit kasi tumakbo ka ng mabilis sabi dahan dahan lang eh." nag aalalang sabi ni Gaia at tiningnan pa ang tuhod ko.

"Nasugat ka pa tuloy. " sabi nito.

Bumaling sya sa mga staff.

"May first aid kit po ba?." tanong nya.

"Wait sorry po hinahanap namin." sabi ng staff naman.

"Teka alam ko may dala ako sa bag ko." tumayo na si Gaia.

Lalakad na sana sya pero pinigilan ko sya at pinilit na lumuhod.

Nagulat sya ng pagtingin nya sakin ay nakaluhod ako at iniangat ko ang singsing na kanina pa nasa bulsa ko.

Narinig ko na nagsisigawan na sa kilig ang mga nasa paligid namin.

Napatingin pa ako sa gawi nila Stell na ngayon ay nanunuod samin. Nagthumbs up pa sila sakin.

"Ligaia, Sweetheart, I know na may mga pangyayari satin na nagdurog sa mga puso natin but I swear Sweetie hindi ko sinasadyang masaktan ka. I know that your memories are not yet back but I'm trying and taking a risk to propose to you my Ligaia for you to know how much I love you. I do not want to spend my life to anyone else but you. Paulit ulit kong sasabihin sayo na ikaw ang ligaya ng aking mundo. Maria Ligaia Roncesvalles, will you marry me?." naiiyak ako habang nagsasalita.

Napatakip pa sya ng bibig nya habang umiiyak. Kinakabahan ako sa isasagot nya.

Halos tumalon ang puso ko ng nakita kong dahan dahan syang tumango.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon