CHAPTER 4

66 4 3
                                    

LIGAIA

Pangatlong araw ko na sa pagiging secretary ni Pablo at ngayong araw ay may practice kami dahil wala silang shooting or guesting. Maaga parin akong pumasok dahil dumaan na muna ako sa workstation ko at balak kong ibaba ang laptop ko para mamayang break time at makapag ayos ako ng ibang kailangan kong tapusin agad. Buti nalang talaga sanay akong magmultitask.

Pagdating ko palang ay napansin ko ng nakabukas na ang pintuan ni Pablo at nagpapatugtog sya.

Liham sa pag-ibig ko
Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Maging sa hinaharap o nakaraaan ikaw lang at ako
Oh aking mundo woah yeah
Ligaya ng aking mundo

Hindi ko maiwasang mapasilip sa office nya. Nakita ko sya na nakatayo at sinasabayan ang kanta. Ang ganda ng boses nya. Tagos sa puso ang pagbitaw nya ng mga linya. Sa totoo lang I don't know what I'm feeling while listening to him pero parang may something sa puso ko.

"Kanina ka pa ba jan?."

Para naman akong bumalik sa huwisyo ng marinig ang sinabi nya. Napaayos ako ng tayo.

"Good morning." bati ko sakanya.

Tumango naman sya sakin. Sa nagdaang araw simula nung hinatid nya ako sa apartment ko at nangyari ang halik sa studio ay hindi nya pa rin ako pinapansin or kinakausap ng matagal unless it's about work.

"Dumaan lang muna ako dito para kunin yung laptop para kapag breaktime kahit papano ay may natatrabaho pa rin ako." sabi ko sakanya kahit di naman nya tinatanong.

Tumingin lang sya sakin ng walang expression. Ngumiti nalang ako sakanya at akmang aalis na ng tawagin nya ako.

"Gaia."

Napalingon naman ako sakanya agad. Nakita ko na huminga sya ng malalim bago muling magsalita.

"Never mind." sabi nya at tumalikod muli.

Ha? Ano yun? May gusto syang sabihin pero di nya masabi? Hala baka may ayaw sya sa trinabaho ko ah. Omygad ilang araw palang ako masisisante pa ata ako.

Dahil sa nangyaring yun ay hindi na ako mapakali. Kahit habang nagpapractice ay hindi ko maiwasang hindi mag isip kung may nagawa ba akong mali bakit ganun.

Breaktime namin ay agad kong kinuha ang laptop at nireview ang mga natapos kong trabaho at chineck ang mga email. Baka may na wrong sent ako. Mygad nakakapraning!

"Hindi kaba muna kakain?." tanong ni Ken sakin.

Hindi ko na namalayan ang paglapit nya.

"I'm reviewing my work. Baka may mali akong nagawa kaya ganun sya sakin." sabi ko ng hindi tinitingnan si Ken at nakafocus lang sa ginagawa ko.

"Hey, parang na pepressure ka. Breathe first." sabi nya at dahan dahan pang kinuha ang laptop sakin.

"Kumain kana muna. I bought chicken sandwich on my way here." iniabot nya naman sakin ang nakabalot pang sandwich.

Kukuhanin ko sana muli ang laptop sakanya pero inilayo nya iyon at binuksan ang sandwich na hawak nya pagkatapos ay itinapat sa bibig ko.

"Dali tikman mo na."

Napatingin muna ako saglit sakanya at kinuha ang sandwich bago kumagat.

"Here's your water Miss." abot nya sa bottled water na binuksan nya na bago ibigay sakin.

Kinain ko na ang sandwich at pagkatapos ay ininum na ang tubig na ibinigay nya.

"Rest for a while Gaia. Di ba ang usapan naman ay kapag practice day hindi ka muna magpapaper work unless urgent? Breathe." mahinahon na sabi ni Ken at ngumiti pa pagkatapos.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon