CHAPTER 28

57 4 0
                                    

RANA

Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin gumigising si Gaia. Hindi ako umaalis sa tabi nya at ayaw ko syang iwanan.

"Alam na ba ni tito?." tanong ni Kuya Jay.

Nandito sya ngayon at katatapos lang ng dance practice nila. Dito sya dumidiretso after ng work nya.

"No kuya. Please wag nyo muna sabihin. Gustuhin ko man pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Papa. Natatakot ako na baka atakihin sya bigla dahil dito." sabi ko pa at nag simula nanamang umiyak.

"You're really brave Rana. Sana gumising na si Gaia para makita nya kung gaano ka kastrong as her Ate." sabi nito at niyakap pa ako.

Nasa ganung posisyon kami ni Kuya Jay ng dumating si Stell at Ken.

"Kamusta?." seryosong tanong ni Stell.

Ngumiti lang ako ng bahagya sakanya at yumuko na. Yun lang ang nasagot ko sakanya.

"Gigising din si Gaia don't worry baka may hang over lang kaya ganyan." biro nya.

Alam ko naman na kahit papano pinapagaan nya lang ang paligid dahil puro kadramahan na.

Silang apat lang ang madalas nagpupunta dito. Lalo na si Stell dahil sya ang taga kuha ng mga kailangan sa condo namin. Hindi rin nila kami iniwan sa sitwasyon namin na to kaya laking pasalamat ko sakanila.

"Gaia, nandito na si Stell at Ken. Gising kana." mahinang sabi ko at hinimas ko pa ang kamay nya.

Umaasa ako na sa bawat himas at pisil sa kamay nya ay gantihan nya rin ako ng kahit papano.

JUSTIN

Naiwan ako sa studio pagkatapos ng dance practice namin. May mga designs pa kasi akong idodouble check bago maapprove ni Pablo.

Sa kabila ng mga nangyari kahit inis na inis kami kay Pablo ay wala naman kaming magagawa dahil magkakagrupo kami at magkakatrabaho. Saka syempre sya parin ang boss.

"Jah, nahanap nyo ba si Gaia nung gabing yun?." biglang tanong nya sakin kaya napatingin ako.

Oo. Walang nagsalita samin tungkol sa nangyari kay Gaia. Basta ang alam lang ng mga staff at ni Pablo ay hindi sya papasok dahil sa nangyari sakanilang dalawa.

" Oo." maikli kong sagot at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Jah tulungan mo naman ako oh. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Joy. Ayaw kong makasal sakanya. Si Gaia ang mahal ko."sabi nya at tuluyan ng umiyak.

Napatingin naman ako sakanya at naawa sa itsura nya. Hindi ako sumagot pero kinuwento nya kung ano ang sinabi ni Joy kaya pumayag sya na ituloy ang kasal nila.

Dahil dun ay naintindihan ko naman kung ano ang dahilan ng pagpayag nya.

"Gaia is in the hospital. She's in coma." panimula ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nya dahil sa sinabi ko.

"What?." sabi nya na parang wala sa sarili.

"She had a car accident Pau nung araw na nagpunta sya sa condo mo. Gaia is really drunk while driving." patuloy ko.

Iyak lang sya ng iyak habang sinasabi ko ang sitwasyon ni Gaia ngayon.

"Can you bring me to her?." tanong nya.

"I don't know if I can Pau. Galit si Rana sayo. I'm sorry." hingi ko ng pasensya sakanya.

"Jah please help me explain everything to her." pagmamakaawa nya.

"Hindi ako ang makakatulong sayo. Si Stell." sabi ko.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon