PABLO
"Where are you!." sigaw sakin ni Joy pagkasagot ko palang ng tawag nya sakin.
"Sorry Hon, on the way na ako. Katatapos lang kasi ng shoot ng guesting namin.
"Hurry up!." halata sa boses nya ang pagkainis. Pagkasabi nun ay pinatay nya agad ang call.
Badtrip naman at traffic pa. Pangalawang agenda na para sa wedding preparation to at pangalawang beses ko na ring nalate. Sobrang busy talaga kami dahil one week nalang ay fanmeet na namin.
Halos isang oras kong binyahe mula sa location ng shoot namin hanggang dito sa cafe kung saan ang boutique ng designer ni Joy para sa gown nya at sa suit ko. Pagdating ko ay nakaupo si Joy sa lounge at may hawak na magazine.
"Sorry I'm late Hon." sabi ko at hinalikan pa sya sa noo.
"Pangalawang beses na to Paulo. " ismid nya sakin.
Maya maya lang ay dumating na ang designer at pinapili na muna kami ng mga designs na gusto namin. Si Joy ay namili sa catalogue ng mga bagong sketch na gown dahil gusto nya sana yung bagong labas ang kanya.
"Nakakita kaba ng gusto mo Hon?." tanong nya sakin dahil kanina pa ako pili ng pili pero wala talaga akong matipuhan sa mga nakikita ko.
"Ahm, can we talk for a while po?." baling ko sa designer.
Ngumiti naman ito at tumango bago tumayo at iwanan muna kaming dalawa.
"Honestly, hindi ako makakita ng gusto ko talaga. Pwede bang yung designer nalang namin ang kuhanin ko? They know my taste." sabi ko sakanya.
Kitang kita ko kung paano sya sumimangot.
"Can I just choose for you? Nakakahiya sa designer ko kung hindi ka sakanya kukuha. I'm sure your designer will understand you naman diba. After all hindi naman pang performance ang susuotin mo kaya they should understand."
Bago pa ako makasagot ay kinuha na nyang muli ang catalogue sakin at bumaling sa staff para tawagin ang designer.
Tulad nga ng sinabi nya, sya na nga ang pumili at nagdecide para sa susuotin ko. Hindi nalang ako kumibo. After namin sa designer ay nagpunta rin kami sa mag cucustomize ng wedding ring namin.
Lumipas na ang mga araw at ngayon ay katatapos lang ng fanmeet concert namin. Kasalukuyan kaming nag papractice para naman sa susunod naming ganap ng makatanggap kami ng e-mail na nakapagpagulantang saming lahat. Ngayon ay nasa conference room kami at nag uusap usap dahil dito.
"So hindi na natin pwedeng gamitin ang SB19?." tanong ni Josh.
"E paano? Ang dami na nating nakasched at ang dami na ring post ng mga collabs natin with that name." sabi naman ni Justin na talagang worried na worried ang itsura.
Hindi pa rin ako kumikibo.
"Pau, what should we do?." napatingin naman ako sakanila at nakita kong lahat sila ay nakatingin sakin.
"Do we need to rebrand? Mag uumpisa nanaman ba tayo sa umpisa?." naguguluhang sabi naman ni Stell.
In this kind of chaos kailangan huminga muna ng malalim at wag masyado magpanic.
"Let's use our own names first. Let's call our upcoming events and talk about this matter to them." panimula ko.
"What if mag cancel na sila dahil hindi na natin gamit ang name?." - Ken
"Let's face it. But for now, let's try to talk to them and syempre negotiate. Then we really need a good lawyer to consult this. Stop posting to our group page and let's use our personal account for other announcement. Remove SB19 from our bio in all of our social medias and please wag muna magpost unless needed." dugtong ko.
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
FanfictionThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3