CHAPTER 29

59 4 1
                                    

RANA

Nagulat ako ng pagpasok ko sa room ni Gaia ay nagwawala na sya. Mas lalo naman akong nagulat sa mga sinasabi nya. Lumabas na muna kami ng makapasok ang mga doktor dahil yun ang sinabi samin.

Naririnig ko pa rin syang sumisigaw.

"Ate I'm really sorry. I won't drink alcohol na. I want to go to Mama and say sorry to her. I'll do the rehab Ate, I'm really sorry."

Unti unti ko na syang nakikitang kumakalma at maya maya lang ay nakatulog na dahil sa itinurok ng doktor. Paglabas ng doktor ay agad ko syang kinausap.

"Dok bakit po ganun ang sinasabi ng kapatid ko? Matagal ng patay ang nanay namin at matagal ng nangyari sakanya ang pagpaparehab dahil sa pag inom ng alak." tanong ko.

"Dok hindi nya po ako kilala. Fiancée nya po ako." singit ni Pablo na ngayon ko lang naaalala na nandito rin pala.

"Hindi ka nya kilala?." baling ko sakanya ng may pagtataka.

Tumango naman ito ng bahagya.

"She maybe is suffering partial amnesia due to accident. Nagturok lang muna kami ng pampatulog sakanya at once na magising sya hopefully ay kalmado na sya to run some test." paliwanag naman nito.

Pagkatapos sabihin yun ay nagexcuse na sya to do his rounds.

"Rehab?." tanong ni Pablo sakin.

Tumingin na muna ako sakanya bago tumango.

"Narehab sya nung 2019 dahil nalulong sya sa pag inom ng alak dahil sa kalungkutan ng mamatay ang nanay namin." panimula ko.

"She really is a Mommy's girl sa aming dalawa. Kahit anong sabihin ko sakanya at kahit anong pagbabantay hindi ko sya nasuway sa pag inum nya to the point na halos gawin nyang tubig ang alak." dugtong ko.

"Umuwi ako dito when I found out na nagsisimula nanaman syang uminom nung unang nalaman nya ang kay Joy."

Nakita kong yumuko sya at may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.

"Sa totoo lang Pablo, hindi ko na sana gusto pang bigyan ka ng pagkakataon ulit na masaktan ang kapatid ko. Kung sakali man na may partial amnesia sya, parang mas gusto ko pa atang dun nalang ulit sya mag umpisa kesa malaman nya ang nangyari sa magiging anak nyo sana."

Dun na sya tuluyang humagulgol.

"Patawarin mo ako Rana. Patawarin mo ako." paulit ulit na sabi nito.

"Hindi ka sakin dapat humingi ng tawad. Sa kapatid ko. You know now how weak emotionally my sister is, kung gusto mong umayos kayong dalawa simulan mo ng ayusin yung mga alam mong makakacause ng sakit sakanya."

Tinapos ko na ang sasabihin ko at umalis na sa harapan nya.

LIGAIA

Nagising ako dahil sa tunog ng bumukas na pintuan. Pagmulat ko ng mata ay inikot ko muna ang aking mga mata.

"Ligaia." nakangiting bati ng kapatid ko.

"Harana." ngiting bati ko sakanya.

Sinusubukan kong umupo pero nahihirapan ako kaya inalalayan nya ako.

"Are you okay now?." tanong nito sakin.

"Where's Papa? Where are we?." tanong ko sakanya.

"Nandito tayo sa Pilipinas Gaia."

"What? Why?."

Nakita ko ang paghinga nya ng malalim. Magsasalita na sana sya ulit ng may pumasok muli sa pintuan.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon