CHAPTER 5

75 5 6
                                    

LIGAIA

"Congratulations SB19!." sigaw namin sabay nag cheers.

Grabe, sobrang saya namin dahil naayos na ang issue sa pangalan nila at ngayon ay malaya na muli silang gamitin ito. Nandito kami ngayon sa Havre de Grace Cafe para magcelebrate.

"Maraming salamat sa lahat ng mga nagpagod at talagang lumaban para satin. 1Z fam you're the best! Worth it ang lahat ng pagod at puyat natin." nasa harapan ngayon si Pablo at nagsasalita.

"I would also like to thank Ligaia dahil nakita naman natin kung paano nya talaga pinagsabay ang pagiging secretary sakin at ang pagiging dancer para satin." pahabol nya pa at itinaas pa ang baso nya.

Nagpalakpakan naman ang lahat. After magsalita ni Pablo ay nagsimula na kaming magsipag kain. First time kong pumunta dito sa cafe ng pamilya ni Pablo at masasabi kong solid ang pagkain talaga nila. Ang sarap!

"Gusto mo ng cake Gaia?." tanong ni Ken sakin at inalok pa ang cake na hawak nya.

"Later nalang. Grabe parang nakarami kana ng cake ah." sagot ko naman sakanya. Nakita kong may icing pa sya sa pisngi nya.

Itinuro ko ang pisngi ko sakanya para sana punasan nya ang pisngi nya. Nagulat ako ng bigla nya akong ikiss sa pisngi kung saan ko itinuro.

"Hoy Ken bakit mo kiniss sa pisngi si Gaia! HAHAHAHAHAHA! Kita ko yon!." sigaw ni Stell kaya napatingin silang lahat samin.

"Tinuro nya kasi yung pisngi nya." natatawang sabi ni Ken.

"Uy hindi, what I mean is may icing ka sa pisngi mo." paliwanag ko.

Nagsimula nanaman silang tuksuhin kami.

"Uuuuuy sobrang pula na ni Ligaia." tukso ni Jah sakin.

Napatingin naman ako kay Pablo na ngayon ay seryosong nakatingin sakin at papalapit sa pwesto ko para umupo sa tabi ko. Napatigil naman ang mga nasa paligid ng mapansin na seryoso ang mukha ni Pablo.

Palihim kong ibinaba ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at hinawakan bahagya ang kamay ni Pablo. Napatingin sya sakin at medyo lumambot ang itsura nya hindi tulad kanina.

"Wag na kayong magulo nandito na ang strict nyang bossing." sabi naman ni Josh at bahagyang tumawa.

Nagsimula na ulit magkanya kanya ang mga magkakasama sa lamesa. Si Ken ay sandaling lumipat sa lugar nila Ate Bea dahil may kailangan daw sabihin. Si Jah naman ay lumipat sa pwesto nila Tita Gemma na ngayon ay nandito din. Kaming dalawa nalang ni Pablo ang naiwan sa mesa.

Lumipat sya sa harapan ko kaya magkaharap na kami ngayon.

"Wag mo ng uulitin yun Sweetheart." mahinang sabi nya.

Napatingin ako sakanya at nakita kong kinindatan nya ako kaya napangiti nalang ako. Why so rupok pagdating kay Pablo, Gaia?

"Halika, pakilala pala kita kila Mama at Papa." aya nya sakin kaya tumayo na ako.

Omygad! Papakilala na nya ako? Wait teka di ako ready ah. Halos mag 1 month palang kaming halos di mapaghiwalay maliban sa secretary nya ako ay kapag hinahatid nya ako sa apartment halos dun na sya matulog. Halos isang buwan na syang super sweet pero syempre kapag kaming dalawa lang, para kasing hindi sya showy kapag madaming tao. Naku, para naman akong kinikilig sa iniisip ko.

Nang makalapit na kami sa pwesto ng parents nya ay sumilay agad ang malapad na ngiti ng Mama nya.

"Hi Ma! Hi Pa! Hindi ko pa pala napapakilala ng maayos sa inyo si Ligaia." panimula nya. "Gaia, parents ko." pahabol nya.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon