CHAPTER 10

64 4 1
                                    

PABLO

Christmas party ngayon ng 1Z at celebration na rin ng good feedback ng performance namin kahapon sa AAA dito sa nirentahan naming function hall. Sobrang saya namin kasama ng mga staffs. Ininvite din namin ang glam team namin at mga Skouts syempre kasama si Kuya Jay.

Katabi ko si Gaia ngayon na pinapanuod sila Stell at Jah na ngayon ay mga game masters.

"Okay okay ang next na game natin ay paper dance, maghanap na kayo ngayon ng partner nyo." announce ni Stell.

"Sali tayo?."aya sakin ni Gaia.

"Teka kakakain ko lang kasi e mabigat pa tyan ko." natatawa kong sabi.

"Gaia, partner tayo?." sabi ni Ken pagkalapit samin.

Naku po!

"Ay partner na kami Dre." sabat ko sakanila bago pa makasagot si Gaia.

Nakita ko naman ang gulat na tingin ni Ken sakin. Pagkasabi ko nun ay nagpaalam nalang sya agad samin at umalis na.

"Akala ko ba mabigat pa ang tyan mo kasi kakakain mo lang." baling nya sakin.

"Okay na ko Sweetheart. Alam mo naman na ayaw kong may ibang hahawak at bubuhat sayo. Tara na." sabi ko sabay kindat at tayo na para pumunta sa gitna.

"Wow! Partner ang mag bossing ah." bati ni Jah samin at tumingin pa ng makahulugan kaya natawa ako.

"Dapat habang may music sumasayaw kayo ah." sabi ni Stell at nagstart na ng music.

Hinawakan ko naman ang dalawang kamay ni Gaia at sumayaw sayaw pa kami.

Umabot pa kami sa pangatlong round. Ng huminto ang tugtog ay nagkalapit kaming dalawa ng mabuti. Hay nako ang hirap magpigil na hindi sya halikan kapag ganitong magkalapit kami. Sa pang apat na round at kailangan na syang buhatin dahil paliit na ng paliit ang dyaryo. Ang tanging naiiwan nalang ay 3 pair nalang.

"Teka teka naka skirt tong si Gaia baka makitaan to teka lang." pigil ko muna kay Stell sa pagpapatugtog.

Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinalupot iyon sa bewang nya.

"Suuuuus talaga naman tong si ---- . "

"Hoy dali." pinutol ko baka madulas sa sasabihin.

Dahil na rin siguro magaan lang tong bubuhatin ko at walang ilangan ay kami ang nanalo sa palaro.

"Congratulations sa magbossing. Napakacompetitive naman talaga!."

Pagbalik namin sa table ay nilapitan sya ng mga kapwa nya dancer at inabutan ng beer.

"Gaia inum na finish ka naman na kumain." sabi sakanya ng isang dancer, si Nikko.

"Mamaya nalang." sabi nya.

"Tara dun tayo sa table namin dun na tayo uminom." aya pa nito ulit.

"Mamaya na nag eenjoy pa ako manunuod dito." tanggi nya naman.

Nakita ko na hahawakan sana ng lalaki ang kamay ni Gaia siguro para patayuin pero mabilis ko iyong tinapik.

"Pre ayaw daw e." malamig na sabi ko.

Napatingin naman sakin ang lalaki at kay Gaia.

"Hindi umiinom si Gaia Nikko halika na bumalik na tayo sa table nyo." sabi ni Kuya Jay na kadarating sa table namin.

"Konti lang naman sana." kulit parin ng Nikko.

Parang medyo nakainom na sya kaya siguro ganito.

"Sorry hindi kasi talaga ko umiinom Nikko." sabi naman ni Gaia at tumingin kay Kuya Jay na nakatitig sakanya.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon