CHAPTER 15

54 3 0
                                    

PABLO

Nagulat ako ng pagpasok ko sa office ay nasa loob na si Joy.

"Hi Hon!." masayang bati nya sakin at yumakap pa.

"Bakit ang aga mo ata?." tanong ko sakanya.

"Wala lang. Naiinip kasi ako wala akong magawa sa condo at saka para makita kita agad." sabi naman nya.

Pumunta na muna ako ulit sa table ko para may icheck na file. May 30 minutes pa ako para magtrabaho bago umalis kaya tapusin ko na.

"Hon. Hey, aren't you gonna offer me some juice or water?." sabi nya kaya napatingin ako.

"Sorry, gusto ko na sanang tapusin to bago tayo umalis e. You want water ba o juice?."

"Well, I want juice." sagot nya.

Tumayo ako at akmang lalakad na ng magsalita sya.

"Wait why are you standing? Why don't you just call your secretary?." napatingin ako sakanya na ngayon ay itsurang nagtataka.

"Ako nalang Hon kasi baka bumaba na rin yun." palusot ko.

Napatango nalang naman sya at ibinalik nalang ang atensyon sa phone nya.

Paglabas ko ay wala nga si Gaia. Para naman akong nakahinga ng maluwag kaya pumunta na ako agad sa pantry.

Pagpasok ko sa pantry ay nagulat ako ng makitang nandun pala sya at nakadukmo.

Tulog ata?

Dahan dahan akong kumuha ng baso na nasa ulunan nya pero bigla syang nagising. Nagulat sya ng makita ako.

"Sorry." sabi nya at akmang tatayo na nang hawakan ko ang bisig nya para pigilan sya.

"No. Sige mag rest ka lang. Take your time."

Nakatingin lang sya sakin at dahan dahang iwinaksi ang bisig para mabitawan ko sya.

Kitang kita ko ang pangangalumata nya at ang pamamaga nito.

Umiwas sya ng tingin at lumabas na.

Nalungkot naman ako. I know,that is my fault.

Pinagpatuloy ko ang pagkuha ko ng juice at lumabas na agad para bumalik sa office.

"Ang tagal mo." sabi nito ng ilapag ko ang juice nya.

Hindi naman ako sumagot at bumalik na sa table ko para tapusin ang trabaho ko.

Nang matapos ko iyon ay niyaya ko na si Joy na lumabas para makaalis na kami.

Habang kumakain kami ay biglang may nagmessage sakin.

[From: SB19_Jah

Pau, may nag upload ng video ng proposal mo kay Joy. Trending ngayon online. ]

Napatingin ako kay Joy pagkabasa neto at nakitang nagpophone din sya.

"Hon, your proposal to me is now trending look." sabi nito at itinapat pa sakin ang phone nya.

Hinawi ko iyon at hindi pinanuod.

"You uploaded it?." seryosong tanong ko sakanya.

"No, Mirea did. She's that one who took the video." sabi nito na ngiting ngiti pa.

"So you know that she will upload it?."

"Actually she asked if she can upload the video since ikakasal naman na talaga tayo diba and I gave her my permission."

"But you did not asked for mine?." malamig na sabi ko.

Naiinis na ako.

"Why? Is there something wrong? Ikakasal naman na tayo diba? Your fans know me kahit ang lowkey lang natin. Maybe its time na iflex mo naman ako." may halo na ring inis ang tono nya.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon