LIGAIA
"Do you want to take a rest first Gaia? Do you want to have a vacation leave kahit ilang araw lang or even a week?." tanong ni Ate Bea sakin.
Nandito kami ngayon sa stockroom na katabi ng The Zone at inaayos namin ang ibang merch na iaout namin dahil padami na ng padami ang orders.
Ngumiti ako ng bahagya sakanya.
"I'm okay Ate Bea saka kailangan ko talaga ng trabaho." sabi ko naman at pinagpapatuloy ang pagbibilang para ng mga iaout.
Hinawakan naman ni Ate Bea ang mga kamay ko at ipinaharap ako sakanya.
"Alam ko na kaya ayaw mo ring magpahinga sa trabaho ay dahil gusto mo pa rin syang nakikita sa kabila ng sakit na nararamdaman mo. Alam ko rin na ginagawa mo pa rin to at hindi ka umaalis sa pagiging secretary nya dahil alam mong kapag umalis ka ay babalik nanaman sa hirap ng trabaho si Pau. Maliban jan sa katwiran mong kailangan mo ng trabaho, alam ko na ginagawa mo rin yan para sakanya. Gaia, mahirap magmahal ng may mahal pang iba. I know na umasa ka, nung mga panahon na magkasama kayo akala mo mahal kana nya pero sa huli malalaman mo na meron pala syang mahal na iba." mahabang sabi nya sakin.
Habang sinasabi nya ang mga yun ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumulo kaya niyakap nya ako.
"Take a rest first Gaia, kahit dalawang araw lang, mas mahalaga parin na magpahinga kahit saglit lang." sabi naman nya at pinunasan pa ang mga luha ko.
Pagkatapos namin mag inventory ni Ate Bea ay umakyat ako sa taas para iencode na muna ang mga nainventory namin.
I was encoding ng makaramdam ako ng uhaw. Napatingin naman ako sa drawer ko kaya binuksan ko iyon. Nandun ang tumbler ko na itinago ko pa nung isang araw dahil nakita ni Kuya Jay.
I slowly drank and tasted the bitterness of it.
"This is how bitter love is." sabi ko sa sarili ko na napangiti pa ng pagak.
Tinapos ko lang ang pag eencode at nagdecide na umuwi na.
Pagbaba ko sa lobby ay nasalubong ko pa ang mga kapwa dancers ko.
"Hi Gaia! Gusto mo ba sumama samin gumimik?." tanong ni Rose.
"Sure." mabilis ko namang sagot.
I should be hanging out para naman pag uwi ko pagod na ako at makatulog nalang.
Pumunta kami sa club kung saan nag event ni Josh at sumayaw kami. Kilala na ako ng bartender kaya ng umorder ako ng inumin ay agad nya akong binigyan.
Pagkatapos kong inumin ang pangatlong shot ko ay dun ako pumunta sa dance floor para sumayaw.
Kasama ko na sila Nikko at walang humpay ng sumasayaw sa dance floor.
Panay abot ng drink sakin ang lalaki ako naman ay walang tanggi sa bawat abot neto. Wala na akong pakialam siguro sa paligid ko.
PABLO
Isang malakas na suntok ang ibinigay ko ky Nikko ng makita ang ginawa nya kay Gaia.
Napahawak naman agad sya sa mukha nya. Akmang susugod din sya pero madami na ring dumalo sakanya.
"Pare." awat ni Josh sakin.
Kakapasok lang namin sa club ng makita ko si Gaia na nakahandusay na sa isang couch ng bar. Nakita ko ang paglapit ni Nikko sakanya at paglapit ng mukha nya sa babae habang may hawak na cellphone na mukhang kinukuhanan ang ginawa sa babae.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makita yun. Inilayo naman sya agad dahil sinabihan na rin ni Josh ang mga umawat sakanya.
Dinaluhan ko naman agad si Gaia.
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
أدب الهواةThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3