LIGAIA
"Naenjoy mo ba ang vacation mo?." tanong ni Ken sakin.
Papunta na kami sa location ng Wish Bus kung saan sya magpeperform ngayong gabi.
Ngumiti ako sakanya.
"Yes nakapag enjoy naman ako, nakapagrelax kahit papano."
"Wala ba akong pasalubong jan?." biro nya sakin.
"Naku pasensya na hindi ako nakapamili hehe." nag peace sign pa ako sakanya.
"Joke lang naman." sabi at tumawa ng mahina.
Malapit na kami bumaba kaya nag ayos na sya ng sarili nya. Pagkababa namin sa sasakyan ay marami ng tao ang naghihintay sakanya. May mga nakalapit sakanya na fans kaya medyo nagkatulakan dahil sa excitement kaya medyo naipit ako. Naramdaman ko naman na hinatak ako ni Ken at inilapit sakanya kaya parang nakayakap sya sakin. Mabilis na kaming umakyat sa bus.
Ininterview na muna sya saglit bago magperform.
When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, gotta make a moveKinukuhanan ko sya ng picture habang kumakanta sya for documentation, bilin ni Ate Bea.
While we're young, come away with me
Keep me close and don't let goInch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to youHabang kumakanta sya ay nakatingin sya sakin. Medyo naging uneasy sakin kaya gumalaw ako at lumipat ng lugar konti pero ang tingin nya ay nakasunod sakin. Ngumiti lang ako bahagya at sumagot naman sya ng ngiti sakin.
After nya kumanta ay lumapit sya sakin.
"Madami kang nakuhang picture? Patingin naman ako." sabi nya.
Binuksan ko ang camera at pinakita sakanya ang mga pictures nya. Umakbay naman sya sakin.
Narinig ko ang sigaw ng mga fans kaya napalingon ako sa bintana. Lumingon din si Ken at kumaway sakanila habang nakaakbay sakin.
"Uhm Ken, teka ikaw na tumingin oh. Nakaakbay ka sakin nakikita ng mga fans mo baka ano isipin nila pagbaba ko dito baka masabunutan ako." biro ko kunyari. Binigay ko ang camera sakanya at pumasok sa staff room ng bus.
Medyo nagtagal din kami sa bus dahil may mga ginawa pa si Ken. Pagbaba nya ng bus ay nag fan service na muna sya saglit. Nakita ko sakanya ang pagmamahal at pasasalamat nya para sa mga fans.
"Alam mo kung pwede lang na lahat sila magpapicture ako isa isa at pirmahan mga papapirma nila, naku gagawin ko. Kaya lang syempre hindi naman pwede." sabi nya pag andar ng sasakyan namin.
"Pansin ko nga. You really love your fans. Sa totoo lang kayong lima kapag nakikita ko kung pano kayo makipag interact sa mga fans nyo dun ko naintindihan kung bakit mahal talaga nila kayo." sabi ko.
Ngumiti naman sya.
"Gusto mo bang kumain na muna bago umuwi?."
"Pwede naman pero saan?." tanong ko.
Biglang naring ang phone nya kaya naputol ang pag uusap namin.
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
FanfictionThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3