CHAPTER 6

70 4 6
                                    

LIGAIA

"Ano ba next sched simula bukas Sweetie?." tanong ni Pablo sakin.

Nandito na kami ngayon sa apartment ko dahil medyo maaga kaming natapos sa sched today. Nagluto muna ako ng pagkain pang dinner bago sya bumalik muli sa opisina para may tapusin na trabaho.

"Hmmn. Tomorrow practice natin ng morning tapos hapon ay sa Cavite tayo para sa Christmas Lightning ng Dunkin branch dun and shoot for your mini dunkin vlog. After tomorrow clear sched mo ng 3 days." sabi ko sakanya habang ginigisa na ang manok para sa tinola for dinner.

Naramdaman ko na niyakap nya ko galing sa likod at ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Ang bango ah. Feeling ko ang sarap nyan." malambing na sabi nya.

Natawa naman ako.

"Sa totoo lang eto lang yung pangmalakasan ko na luto sa Filipino food pero mag aaral pa ako ng iba para mapagluto pa kita." sabi ko naman. Kiniss nya naman ako pisngi. Kaya talaga namang kinilig ako.

Nagulat nalang ako dahil may iniharang syang sobre sa mata ko. Kinuha ko naman yun agad.

"Wait hindi ko pa naman sahod saka bakit nakasobre di ba sa atm na?." takang tanong ko habang binubuksan ko ang sobre.

"Omygad!." sabi ko ng makita ko na ang laman ng sobre.

"Japan for 3D2N?." sabi ko at humarap sakanya.

"Wait, the day after tomorrow na to ah. Eto yung mga clear sched mo." excited na sabi ko.

"Yes and you're going with me okay?." sabay halik sa labi ko kaya napangiti naman ako.

Maya maya lang ay naluto na ang food namin kaya nag prepare na ako ng table. Habang kumakain ay nag uusap parin kami. Magkaharap ang pwesto namin.

"Teka lang, 3 days wala ka tapos ako rin wala. Ano sasabihin natin?." tanong ko sakanya.

"Ako na bahala dun. Wag mo na isipin okay?." sagot naman nya sabay kain na namin ulit.

"This is good ah. You're a good cook Sweetie." sabi nya at kinuha pa ang kamay ko para i-kiss.

Pablo is super clingy. Kapag kaming dalawa lang lagi syang nakahalik or nakayakap. And he really value quality time. Like today, talagang kapag ka nabibigyan ng pagkakataon, ihahatid at ihahatid nya talaga ako and spend kahit konting time sakin.

"Thank you for the food Sweetheart." sabi nya.

Nag aayos na sya at aalis na para pumunta muli sa office nya kahit gabi na talagang babalik sya dahil gusto nyang tapusin ang trabaho nya bago magbakasyon ng saglit.

"Mag ingat ka sa pag dadrive." sabi ko.

As usual kiss muna bago buksan ang pinto.

STELL

Tapos na ang practice namin today at nagpapahinga nalang kami para sa mamayang event namin sa Dunkin. Magkakasama kaming lima sa office ni Pablo. Magkatabi kami ni Jah sa Sofa samantalang sa kabilang sofa naman ay nakahiga si Ken. Si Josh naman sa carpet na humiga. Tindi talaga ng dalawang to. Si Josh tulog na. Si Ken nagpophone lang.

"Pre flight mo daw pa Japan bukas?." sabi ko kay Pablo na nakatutok sa laptop nya dahil nasa table nya sya.

"Oo." maikling sagot nya at ni hindi man lang ako tiningnan.

Tumayo ako para lumapit sakanya.

"Pasalubong ko ah." bilin ko.

"Geh." aba hindi parin ako tinignan. Ang busy naman.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon