LIGAIA
Pagkatapos namin kumain ay hindi na kami naggala ni Pablo kahapon dahil sa tawag ng parents nya. Umuwi daw kasi yung ibang relatives nila sakanila at hinahanap sya. Hinatid nya nalang ako sa apartment at agad rin namang umalis.
Balik trabaho na kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng pakiramdam ko pag gising palang. Siguro dahil na rin sa puyat nitong mga nakaraang araw at pagod. At syempre di ko naman maikakaila na hindi talaga ko nakatulog sa nangyari kahapon.
Nandito ako ngayon sa studio dahil nagpapahinga na kami dahil katatapos lang ng practice. Niyayaya pa akong mag tiktok ng mga kasamahan ko kaya lang masama talaga ang pakiramdam ko.
"Achoooo!." naku sisipunin pa ata ako.
Nagulat ako ng may mag abot ng tubig sakin. Pagtingin ko naman ay si Ken.
"Thank you." sabi ko at ininom iyon.
"Uso kasi magpahinga." sabi naman nya.
"Coming from you ah. Galing kapa ng Dubai nyan." tatawa tawa ko pang sagot.
Nagulat ako dahil bigla nyang hinawakan ang noo ko. Parang chinecheck ang temperature.
"Naku may sinat ka. Tapos medyo namumutla ka pa. Magpaalam kana na uuwi ka ng maaga." bakas sa boses nya ang pag aalala.
"Okay lang ako Ken may meeting pa rin kasi mamaya tapos may need tapusin pa sa taas."
"Sige mamili ka. Magpapahinga ka ngayon para bukas okay kana o magtatrabaho ka pa pero sa mismong event na hinihintay mo eh wala ka kasi lumala yang pakiramdam mo."
Napangiti naman ako sa sinabi nya at medyo napaisip. May point sya.
"Bakit ano nangyari?." biglang sulpot ni Pablo. Tapos na siguro ginagawa nya sa recording studio.
"May sinat na eh. Pinapauwi ko na nga ayaw pa umuwi may meeting pa daw at magtatrabaho."
"Oo na nga magpapaalam muna ako dito sa Boss ko." inemphasize ko pa ang boss na word.
"Pasundo ka nalang sa boyfriend mo para may maghatid sayo." tatawa tawang sabi ni Ken.
"Sus wala akong boyfriend." sabay tawa ng pagak.
"Talaga?." biglang seryosong sabi ni Ken.
Natawa naman ako. Napalingon naman ako sa 'Boss' ko na nakatingin ng tiim sakin.
"So pwede pala kitang ihatid?Sakto bagong kuha ang sasakyan ko ikaw ang una kong passenger."
Hindi ko alam pero feeling ko dala na rin ng nararamdaman ko kung bakit gusto kong iparamdam kay Pablo na nasaktan talaga ako sa sinabi nya kahapon sa kaibigan nya. Pero naisip ko,nag assume lang ba ako na sasabihin nyang girlfriend nya ako? Assumera nga ata talaga ako.
"Pwede ba muna akong mag early out kahit ngayong araw lang?." baling ko kay Pablo.
"Ako ang mag hahatid sakanya Ken."
Nakipagsukatan pa ng tingin si Pablo kay Ken.
"May meeting ka in 30 minutes with Ate Bea and Kuya Yani, Pablo. Saka parang hindi ata appropriate na ihatid ako ng boss ko." may halong sarcasm na tono ang naibulalas ko.
Sheez.
"Pau, can we start our meeting earlier?." sabi ni Ate Bea hindi kalayuan sa pwesto namin.
Napatingin naman sya rito.
"Pahatid na ako kay Ken. Bukas nalang ako mag rereport ulit sa work. Pasensya na at salamat Sir Pablo." sabi ko pa at hinatak na si Ken.
"Teka kunin ko lang gamit ko saglit." tumakbo pa si Ken sa may room kung saan nandun ang gamit nya at agad din bumalik sakin para sabay na kaming pumunta sa parking.
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
FanficThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3