LIGAIA
Nagulat ako ng pag gising ko ay may pumipisil sa ilong ko. Pagmulat ko ng mata ko ay si Rana pala.
"Omygad Sis ang hirap mong gisingin. Hindi mo ako sinundo sa airport grabe ka!." sabi nya.
Napabalikwas naman ako dahil sa sinabi nya.
"Oo nga pala sorry Rana paano ka nakauwi dito?."
"Hello hello! Her savior is here!." sabi ni Stell na sumilip pa sa kwarto ko at umalis din.
"Wait mag aayos lang ako. Ang bigat kasi talaga ng pakiramdam ko kaya siguro ang himbing ng tulog ko. Sorry talaga Ate."
"Dalian mo na may dala kaming breakfast." pinalo nya pa ako sa pwetan ko.
Tumayo naman ako para mag ayos ng sarili ko bago ako lumabas.
Paglabas ko ay nakita ko pa na inilalapag na si Stell ang mga binili nilang fastfood.
"Ang aga mo Stell nagising maya pa tayong 10am diba?."
"7am na po Ms. Gaia. Susunduin kaba ni Pablo?." tanong nito kaya napatingin ako kay Rana.
"Bakit ka naman susunduin ng boss mo Maria Ligaia?." masungit nitong tanong.
Tumingin naman ako kay Stell at nilakihan sya ng mata.
"Minsan kasi nagkasabay kami nung hindi ko ginamit yung sasakyan mo kaya akala ni Stell sinusundo ako di nya alam nadaanan lang ako sa harapan. Diba I-Stell?."
"Ah oo sorry kala ko sinundo ka nadaanan ka lang pala." sagot naman ni Stell.
"Ligaia sinasabi ko sayo ah. Hindi ko gusto yang Pablo na yan para sayo si Ken buti pa pwede." sita nito
"Bukas pala yung shoot ng magazine nyo ni Ken noh?." segway ni Stell.
"Ah oo. Sama ka ba Rana? Be my PA." sabi ko pa at tumawa.
Binuksan ko na ang kakainin ko. Pagbukas ko ay para namang bumaligtad ang sikmura ko ng maamoy ko ito kaya tumakbo ako sa sink para dumuwal.
"Are you okay sis?." sabi nito na hinagod pa ang likod ko.
"Ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko sis sa pagod na rin siguro. Mag hot choco na muna ako sa office nalang ako kakain." sabi ko at nagtimpla nalang ng hot choco.
Pagkainom ko ay nagpaalam na ako sa dalawa para mag asikaso na ng sarili para maaga akong makaalis.
Paglabas ko ng room ko ay iba ang tingin sakin ni Rana.
"Why?." tanong ko.
"Tumataba ka." sabi nya.
"Huy hindi naman masyado okay pa naman katawan ko diba. Naconcious tuloy ako." sabi ko at sinipat pa ang sarili sa salamin.
"Okay naman ah medyo nagkalaman lang." sabi ko pa.
"Magpapahinga na muna ako maghapon para bukas may energy ako sa pagiging PA sayo little sis." sabi nya at pumasok na sa kwarto nya kaya nagsapatos na ako para makaalis na.
Dahil nandito na si Rana hindi ko na ginamit ang sasakyan nya. Paglabas ko sa pintuan ay syang labas din ng pintuan ni Stell.
"Sabay kana sakin." sabi nya.
"Sige. Hindi ko na rin kasi gagamitin sasakyan ni Rana baka mamaya may need puntahan yun e. " sabi ko naman.
Habang nasa byahe kami ay biglang nagsalita si Stell.
"Hindi ba dapat sabihan mo na rin si Rana about kay Pau?." panimula nya.
"I'm trying pero hindi ko alam kung paano. Knowing Rana, pagdating sakin masyado syang sensitive saka naumpisahan na kasi sya kaya ang hirap ng baliin ng thinking nya about kay Pablo."
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
FanfictionThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3