CHAPTER 32

68 4 0
                                    

LIGAIA

Hindi ako nakakuha ng sagot sa tanong ko dahil biglang dumating ulit sila Ate Bea. Si Tita Grace naman ay tinawag na nila Tito Ted.

Mas lalong dumami ang tanong sa isip ko dahil dun. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawala sa isip ko.

"Rana." tawag ko sa kapatid ko pagpasok sa dressing room namin dito sa condo.

"Yes?."

"Can I ask you something?." sabi ko at umupo sa couch.

Lumingon sya sakin.

"Can you help me?."

"Gaia ano ba yun bat di tuloy tuloy bitin pa eh." naiinis na na sabi nya.

"Pwede mo ba akong tulungan na kausapin si Pablo?."

Nakita ko ang gulat sa mukha nya dahil sa tanong ko.

"W-why?."nauutal na tanong nya.

"Sinong kasama ko nung naaksidente ako Rana?."

Mas lalo syang nagulat kaya nacurious ako lalo.

"Can you answer me ? If you can answer me okay na siguro kung hindi ko na kausapin si Pablo."

Iniwas nya ang tingin sakin at humarap sa cabinet ng mga damit namin.

"I'll call him later and tell him you wanted to talk." sabi nito.

Huminga ako ng malalim.

"Will that hurt me so much Ate?."

Napalingon syang muli at naglakad papalapit sakin. Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Ligaia." sabi nya.

Hinintay ko na magsalita syang muli pero tanging titig lang ang nagawa nya. Iniwas nya ang tingin sakin pero hindi  nakatakas sa paningin ko ang luhang tumulo galing sa kanyang mata.

"You have an appointment with your doctor now but I can't accompany you Sis." pag iiba nya ng topic at tumayo na para bumalik sa paghahanap ng isusuot.

"I can go on my own Rana." maikli kong sagot at tumayo na.

"I'll prepare now, I'll just book a grab." sabi ko at lumabas na.

Mabilis lang naman akong nag ayos ng sarili ko at agad na rin akong bumaba dahil dumating na ang binook ko na grab.

Habang nasa byahe ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Tita Grace at yung naging reaksyon ni Rana dahil sa tanong ko.

Pagdating ko sa ospital kung saan ang check up ko ay agad din naman akong pumasok sa loob ng clinic ni Dok.

"Hello Ligaia." bati nito sakin.

Ngumiti naman ako sakanya at umupo na.

"How are you feeling?."tanong nito.

Sinagot ko naman sya at ngumiti. Madami pa syang itinanong sakin at may mga diniscuss din about sa sitwasyon ko. Nagtagal din ako ng bahagya bago matapos.

"Thank you so much po Dok." hingi ko ng pasasalamat at lumabas na.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakabangga akong babae kaya nahulog ang hawak nya.

"Sorry sorry." sabi ko.

Pinulot ko ang nahulog na papel at inabot sakanya.

"Ligaia?." sabi nito kaya nagulat ako.

"Kilala mo ako?." tanong ko.

Nakita kong ngumiti ito pero hindi ngiting natutuwa kundi ngiting nakakainsulto.

The Man in my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon