KEN
"You shouldn't have said that Gaia." sabi ko sa babae ng magsara ang elevator.
"Do you have a car?." tanong nito na pinagtaka ko.
Hindi naman ako agad nakapagsalita.
"Can you join me? I wanted to breathe and leave this place now." sabi nito na wala paring reaksyon ang mukha.
"Okay. Where do you want to go?."tanong ko.
"Actually hindi ko rin alam. Just bring me to the place where I can scream my lungs out." sabi nito.
Wala na akong nagawa kundi bumuntong hininga. Pagbaba namin sa parking ay iginiya ko sya papunta sa sasakyan ko.
Habang bumibyahe ay nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Hindi ko na rin tinangka na magsalita para na rin makapag isip sya ng mabuti.
Medyo mahaba ang naging byahe namin dahil ang layo ng naisip kong lugar. Paglingon ko sakanya ay nakatulog na sya.
Pagdating namin ay agad kong pinark ang sasakyan ko. Muli akong lumingon sakanya na tulog parin.
"Gaia." mahina kong sabi.
Habang tinitigan ko sya ay hindi ko maiwasang di isipin ang mga nangyari sakanya noon. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko na paano kaya kung sinabi ko sakanya na gusto ko sya nung una palang magkakaroon kaya ako ng pag asa sakanya? Sana hindi ko nalang inuna yung pagiging mahiyain ko at torpe ko para sana ako nalang yung nakakuha ng atensyon nya. Hindi ko sya sasaktan.
Nagulat ako ng biglang bumaling ang ulo nya sa gawi ko. Para naman akong naawa ng biglang may tumulong luha sa kanyang mata habang nakapikit ito.
Ano bang napapanaginipan mo Gaia?
Pinahid ko ang mga luhang yun gamit ang aking kamay. Dahil sa ginawa kong yun ay biglang nag mulat ng mata si Gaia.
"Sorry." sabi nito at umayos ng upo.
Tumingin sya agad sa bintana.
"Nandito na tayo?." tanong nya at ngumiti sakin.
Ngumiti nalang din ako sakanya at tumango.
Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan ko at dali daling lumabas.
Dinala ko sya sa isang mataaas na lugar na may overlooking view.
Nakita kong huminga na muna sya ng malalim at sumigaw ng malakas.
"LIGAIA!! NASAAN KANA!!." sigaw nya.
"LIGAIA! PLEASE GULONG GULO NA KO!." sigaw pa nito at biglang humagulgol ng iyak.
"Nasaan kana Ligaia. Bakit biglang hindi ko na kilala ang sarili ko?." iyak nya.
Dun na ako lumapit sakanya at niyakap sya.
"Ligaia." sabi ko at hinimas himas ang likod nya.
Nanatili lang kami sa ganung posisyon hanggang sa kumalma sya.
"Wait kukuha ako ng upuan." sabi ko na pinagtaka nya.
Ngumiti lang ako sakanya at pumunta sa compartment ng sasakyan ko at kumuha ng dalawang foldable chair.
Pagbalik ko at nakita nya talaga ang bitbit ko ay natawa sya bigla.
"Boyscout ka pala." sabi nya ng tatawa tawa.
"Kakabili ko lang nyan hindi ko rin alam bakit ako umorder eto pala ang purpose." sagot ko naman ng kumamot pa sa ulo.
Umupo na kami parehas. Tahimik lang naman kami na tinitingnan ang magandang view sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
The Man in my Dream
FanfictionThis is SB19 PABLO's FANFICTION STORY. May mga scene na pamilyar at may mga scene na ang writer ang mismo ang nakaisip. May mga timeline na magkakaiba sa totoong buhay. MARAMING SLMT mga KAPS! <3