Note: This is just an AU. Hindi po ito mangyayari sa TMEUAS... well...
**
They really really tried everything to make it work.
But in the end, they couldn't do anything about it.
Kahit kailan ay hindi naimagine ni Rocky na aabot sila sa ganito ni Wes. For a long time, naniwala siya na sa sila ang magtatagal sa lahat ng couples sa batch nila nung high school. Sila kasi ang may pinakanakakakilig at pinakamagandang love story sa lahat. Hind nga siya makapaniwala noon na sila pa ni wes ang naging bida sa kwentong 'yon.
Nakatagal sila ng college, kahit nagbreak sila ng isang beses. Tatlong buwan lang naman 'yon, hindi nila nakaya na wala ang isa't isa. Their reconciliatiton had been so dramatic, to the point na ilang buwan din silang inasar ng barkada.
Kasalan na yan! laging paandar nina Barbs sa kanilang dalawa.
Hindi na nila kailangang magparinig pa. Christmas Day, 3rd year collge, nagpropose s akanya si Wes. Then a week after their college graduation, nagpakasal na sila.
Sana masabi niyang and they lived happly ever after. Madali namang sabihin, pero mahirap mapangatawanan.
The first few years were okay; typical lang na mag-away at magkabati silang dalawa. Ganun naman silang dalawa, nakasanayan na nila. Mahal naman nila ang isa't isa, at 'yon ang mahalaga.
Kaso.. hindi nga lahat naisasalba ng pagmamahal. Umabot sa punto na nagdoubt si Rocky sa self worth niya. Naging busy si Wes sa basketball carer niya. Hindi na natuloy ang plano nilang magsimula ng pamilya three years after nilang ikasal. Naging distant siya kay Wes; at nang hind na kinaya ni Wes ang mga sumpong niya, pinabayaan na siya nito.
Then one day, she woke up with the most painful realization of all.
May ibang tao na nagigising na lang ng isang umaga sa realization na mahal nila nag isang tao. Nangyayari rin pala sa ganung scenario ang realization na hindi mo na mahal ang isang tao.
Wes begged her to stay; at kagaya ng dati, hindi siya umalis.
Kaso nagpaulit-ulit ang lahat: magdodoubt siya, makikipaghiwalay hahabulin ni Wes, hindi aalis. It came a fucking cycle na sa huli hindi na nila alam kung kailan matatapos.
Si Wes ang nagsuggest na maghiwalay na sila, for good.
Ni hindi man lang siya umiyak. Doon niya narelize na sobrang pagod na siya.
Hindi siya umalis sa bahay nilang dalawa. Ginawa niyang sariling bahay ang guest room nila habang inaayos pa ang divorce papers. Naweirduhan nga ang barkada sa set ip nila;bakit di ka pa umalis? Magiging ex mo na siya ah? Find a new home! Kaso ayaw niya. Hangga't hindi pa niya napipirmahan ang divorce papers, hinding-hindi siya aalis ng bahay nila.
It took Wes' lawyers three months to finish the divorce papers. Sa dining room nila pinag-usapan ang kailangang ayusin sa divorce. Binigay sa kanya ni Wes ang bahay nila; at siya naman ang ilang lupa nika sa Cavite. Gusto niyang matawa, parang nag-uusap lang sila ng investigatory project noong hgh school. Gusto na rin niyang maiyak, dahil hindi niya maintindihan kung bakit sila umabot sa ganito.
Minahal naman nilang dalawa ang isa't isa 'di ba?
Si Wes ang unang pumirma ng mga papel. For a split second there gusto niyang agawin ang ballpen at sabihing sorry, i made a mistake. wag na natin 'tong ituloy please kaso.. pagod na siya. Ayaw na niyang mapagod pa dahil walang-wala na.
Binilisan niya ang pagpirma sa papels niya bago pa tumulo ang luha niya. Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na hindi na nila 'to maayos pa. They're both tired and broken to go on. DTamang itigil na nila 'to ngayon habang may natitira pa sa kanila.
"We had a good run, you and I," sabi ni Wes nang isarado niya ang folder. "Six years."
She couldn't say anything.
It hurts so much to say anything.
YOU ARE READING
Anthology
Aktuelle LiteraturCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).
