Sky High

29.5K 438 23
                                    

From Tumblr

Anonymous says: Crossover ng tatlong female leads—Jersey, Barbs, and Zade. Posible bang magkasama-sama sila sa isang situation/scenario? :))

**

Barbs doesn’t like flying.

Kanina pa niya gustong tumalon sa eroplanong sinasakyan niya. Too late, mga 15 minutes na sila sa ere, at 15 minutes na rin siyang napaparanoid. It has been four years since her last flight, and hindi pa maganda ang memory non. Kung anu-anong scenarios ang naiisip niya; baka ma-Final Destination sila nang wala sa oras.

Kasalanan ni Zade ang lahat.

Nanalo si Zade ng two roundtrip tickets papuntang Cebu City a month ago. Andreau (her boyfriend) and Kesh (her roommate) both declined her invitation due to personal reasons (Barbs thinks Zade never asked them to join her. She will clarify it later) kaya siya ang niyaya nito. At first okay lang sa kanya na samahan ang kaibigan; kasi libre ang ticket at kailangan din nila pero ng break. Matagal na rin niyang gustong bumisita sa Cebu City so she took this chance.

Pero ngayon na nakaupo na siya sa loob ng eroplano, pawis na pawis at namumutla sa kaba, nagdadalawang-isip siya kung gusto pa ba niyang pumunta ng Cebu. It didn’t help na nakaupo siya sa may bintana. Ang tanging pampawala niya ng kaba ay ang sandamukal na dried mangoes na bibilhin niya mamaya.

“Barbs, are you okay?”

Lalong napakapit si Barbs sa armrest. Finally, Zade noticed her. Kanina pa kasi kausap ni Zade yung katabi nito sa kanan nila. The woman’s name was Jersey, an acquaintance of Zade. Hindi na nagregister sa utak niya kung paano o saan nagkakilala ang dalawa dahil sa sobrang paranoia. Jersey also looked, seemingly concerned about her state. Naconscious tuloy siya kung pinag-usapan ba siya kanina ng dalawa.

She rolled her eyes. “What?” inis niyang sabi. Napalingon tuloy ang flight attendant na nasa gilid nila.

“Dapat sinabi mo sa’kin na takot ka pala sa eroplano,” mahinang sagot ni Zade sa kanya.

“Sana nag-RORO na lang tayo, Pascual! May RORO naman siguro papunta sa Cebu ‘di ba? Imposibleng wala!”

A giggle escaped from Jersey’s mouth, causing Barbs to throw a death glare at her. “Oh God, I’m so sorry, Barbs!” Jersey apologized profusely, pero nakangiti pa rin ito. “Benta lang talaga yung RORO! My god ilang araw pa bago ka makakarating don!”

And why was this woman talking to her, anyway? Sa tingin niya kasi, mukhang mataray at maarte si Jersey. Sa bag at gadgets pa na dala nito, obvious na obvious na yamings ang babae. Mahina pa naman siya sa small talk kapag mayayaman ang kausap, at dagdagan pa ng takot niya.. she didn’t expect na papansinin siya ni Jersey.

She saw Zade trying to fight back her laughter. “Punyeta wag niyo nga akong pagtawanan, please. This isn’t funn—“ her grip on the armrests tightened as she sensed another minor turbulence, her eyes immediately closed. “Ah putangina ayoko na! Gusto ko na bumaba!” she almost screamed out loud. Muntik na niyang tanggalin ang seatbelt niya sa sobrang panic. This time napalingon na ang ibang pasahero sa kanila, at muntikan na silang puntahan ng flight attendant. Si Jersey na ang nagpaliwanag sa lahat tungkol sa kalagayan ni Barbs habang si Zade na ang nagpapakalma sa kanya.

It took her almost ten minutes to calm down. Hindi niya alam kung mahihiya o maiinis siya sa sitwasyon niya ngayon. The three of them fell silent for awhile, only to be disrupted by a laugh from Jersey.

“Tangina, Barbs,” she muttered in between laughs, “eto na ang pinakafunny na flight na nasakyan ko. Ever. Zades, you have a very funny friend.” Tumango si Zade at nakitawa na rin.

Barbs slumped on her seat and pretended to sleep. Another 30 minutes to endure with these crazies.

At sana sa RORO na lang siya sumakay.

AnthologyWhere stories live. Discover now