Of Uberpools and Soulmates

21.9K 807 74
                                    


Happy birthday, Scheherazade Pascual! <3

For her birthday this year, here's one of the many soulmark AU ficlets I've written for the past few months. In case you're not familiar, ang soulmark AU ay isang fanfic trope wherein the first words your soulmate says to you are written on you somewhere, usually written in their handwriting. 

Sana magustuhan niyo 'to! Ipopost ko yung ibang soulmark ficlets once maayos ko lahat ng kailangan kong ayusin :)

PS: Wala pang update date ang TSIB ah. Basta within this month!

Enjoy! :)

***

Ibang klaseng relief ang naramdaman ni Zade nang i-launch ng Uber ang bago nilang service, ang Uberpool. Being a regular Uber rider, mas makakamura siya sa bagong service na 'to. Ang dating P 300+ na pamasahe niya mula sa Eastwood papunta sa office niya sa BGC ay naging P 100 - P 150+ na lang ngayon. Finally, magagawa na rin niya ang dati pang sinasuggest ng Ate Kesh niya na monthly Treat Yo Self fund, na kung saan pwede niyang bilhin ang kahit anong gusto niya. So that only means posible na ang monthly book haul na dati pa niyang pinaplano!

Okay lang naman sa kanya ang maki-carpool sa iba; hindi naman kasi siya chatty sa biyahe, at sino nga ba naman ang may gustong magkaron ng madaldal na kasabay sa umaga? Siguro sa ibang tao okay lang 'yon, pero kay Zade? Nope. A total pet peeve. Hindi pa siya tunay na tao hangga't hindi pa siya nagkakaroon ng caffeine sa sistema niya. (Thank God at maarte ang boss niya sa kape. Laging imported and matapang na coffee beans ang nakastock sa pantry nila. 3-in-1 who? na ang drama niya ngayon.)

Her first few weeks with Uberpool were okay. Walang bad experience sa mga nakasabay niya, mababait ang drivers, at ang pinakaimportante sa lahat: hindi siya nala-late. Masakit man sa buls ang halos araw-araw na paggamit ng Uber, mas pipiliin pa niya 'yon kesa makipagsiksikan siya sa bus.

**

Her happy days with Uberpool started to change one Wednesday morning. Wala sa wisyong sumakay si Zade sa Uber ride niya; masyado siyang pre-occupied sa pagrereview niya ng notes para sa kanyang client presentation ng 9am. Make or break para sa promotion niya ang presentation kaya halos walang tulog si Zade buong linggo.

"Uhhh Kuya? Saan tayo papunta?" nagtatakang tanong niya sa driver after niyang matapos ang pagrereview. "Hindi 'to papuntang BGC ah." Medyo mahina man siya sa direksyon, familiar kay Zade ang dinadaan niya everyday. Kaya eto, magkahalong kaba at inis ang naramdaman niya nang marealize niya na ibang daan ang tinatahak ng sinakyan niyya.

"Ay miss, may nagbook po kasi sa may Marikina. Hindi naman po traffic kaya pupuntahan ko na po."

Marikina... Marikina!? Tumaas agad ang presyon ni Zade sa sagot ng Uber driver. Sabi ng Uber sa isang Rappler article na mga on the way lang ang pwedeng sunduin, ah. Paanong may nagboo na taga-Marikina!?

She glanced at her watch. Shit, 7:20 am na. Traffic pa naman minsan sa dinadaan nila pa-BGC.

Just.. great.

Magrereklamo na sana siya sa driver nang biglang huminto ang sasakyan at bumukas ang pinto sa tabi niya. She gingerly scooted a bit to give the new (and hella annoying) passenger some space. A large part of her being kept on urging her to talk some sense into this passenger, a tall and buff guy, because seriously, why not book an Uber near your area!? She was about to do it when the guy glanced at her with a sheepish smile, as if apologizing for booking her Uber.

Well.. shit. So much for being angry. He's cute... and he smelled very good, too. Isa pa naman 'uon sa weakness niya. Too bad, wala siyang oras para magpacute sa lalaking 'to. Mas importante ang presentation at ang promotion niya.

AnthologyWhere stories live. Discover now