Coffee for S?

19.9K 884 385
                                    

Finally, a ficlet! Hahaha! 

Weeks ago, nanghingi ako ng ficlet prompts sa Twitter at curiouscat and ito na, may naisulat na ako. For this ficlet, pinaghalo ko ang dalawang prompts na 'to:

From anon: omg! haha prompt! carefree person si A (complete opposite with canon) with lots of tattoos at si Z ay isang slave-driver, uber serious boss. pano sila magmimeet /story nila ganyan he he he   and...

From anon: ate ficlet naman na si andreau ang barista tas si zade ang customer. basta reversed roles!

So...ito na 'yon. Enjoy!

***

May mga araw na napapaisip si Zade kung dapat ba niyang papalitan ang pangalan niya.

Look, don't get her wrong. She's madly in love with her given name. Ang unique kaya ng Scheherazade! Sa 25 years niyang nabubuhay dito sa mundo, isang beses pa lang siya naka-meet ng kapangalan niya, at foreigner pa ito. Tama nga ang Papa niya, may character ang pangalang Scheherazade. Advantage niya yan sa pagkuha ng NBI clearance; wala siyang hit.

But good Lord, ang pinaka-hassle sa pagkakaroon ng unique na pangalan?

Ang chance na tumama a ng ibang tao sa tamang spelling ng Scheherazade.

Umay na umay na siya sa comments ng mga kamag-anak, teachers, classmates, bantay sa registration booths, government offices at sa kahit anong kaganapan na kinakailangan niyang sabihin ang buong pangalan niya.

Cherhera-- ano nga ulit pangalan mo, iha?

May galit ba sa 'yo ang mga magulang mo at ganyan ang pinangalan sa 'yo?

Ano ba yan, ba't ang daming "H"?

Ginagamit niya ang nickname na Zade para hindi siya makasakit ng ibang tao na mahina sa spelling ng pangalan niya. Apat na letra na nga lang pero may ilan pa ring nagkakamali.

Zedi? Zaydie? Zede?

At ang pinakamalala?

Sa dating paborito niyang Starbucks branch: Hetty.

That Hetty incident didn't go well for Zade. Bwisit na nga siya sa author ng textbook na ine-edit niya (nakakadalawang extension na ng deadline at ayaw ni Zade ang i-adjust pa ang Gantt chart niya) tapos Hetty pa anng nilagay na pangalan sa venti cup ng caramel macchiato niya. Ayun, she'd ended up scolding the poor (but still, bwisit) barista for three full minutes. Nagpost pa siya ng mahabang rant sa Facebook pagkauwi niya sa bahay that day.

She'd only realized a day later na wrong move na nag-eskandalo siya sa favorite Starbucks branch niya. She couldn't function without coffee (caramel macchiato with six shots of espresso and extra extra caramel) lalo na't nasa final stages na siya ng editing ng isang medical textbook. Kinalimutan na nga niya ang advise ng HR manager nilang si Marisse na dapat may work-life balance siya. Hindi 'yon uso sa kanya, lalo ngayon na target niya ang vacant position na editorial assistant for trade books.

At alam ni Zade na hindi niya magagawa 'yon kung wala siyang kape araw-araw.

For two weeks, umasa si Zade sa pagsabay sa coffee run ng colleagues niyang sina Dan at Kesh. Medyo disappointing nga lang at hindi na gaano kainit ang kape pag dumadating sa kanya dahil mga 20 minutes away pa ang kasunod na Starbucks mula sa office nila. (Nandoon din sina Dan at Kesh sa Starbucks scandal ni Zade kaya nahiya na rin silang bumalik doon). Meron namang coffee maker sa pantry nila kaso espresso lang talaga ang bumubuhay sa dugo ni Zade.

AnthologyWhere stories live. Discover now