Prompt from anon: AZ! "why do you keep watching that? gusto mo na bang magkababy?" Zades obsessing over the song triplets. (like what I've been doing for the past 4 days hahaha)
**
"Why do you keep watching that? Gusto mo na bang magkababy?"
"What?" biglang napindot ni Zade ang spacebar ng laptop niya. Naiwan tuloy na nakanganga si Minguk, na nasa kalagitnaan ng pagkanta niya ng Tyrannosaurus Song.
Andreau sat beside her and pressed play. "Seriously, buong linggo mo na yang pinapanood. Are you sending some signs here, babe? You know I'm more thang willing to make a baby anytime," he said playfully with a wink.
"Tumigil ka nga dyan!" she swatted his arm. "Wala pa sa Gantt chart mo ang baby, 'di ba? Tsaka look, how can I stop watching them! Ang cute oh! And my god, Andreau. Daehan reminds me of you."
Tahimik na pinanood ni Andreau ang tatlong bata na nagsasaya sa loob ng isang recording studio. He hated to admit it, pero natutuwa rin siya sa show na 'to. Mas ayaw niyang aminin na kabisado na niya ang Tyranno song ni Minguk. Aasarin lang siya ng asawa niya pag nagkataon.
A hard punch landed on his arm again, followed by a loud laugh from Zade. "What was that for!?"
"O-oh my god, Andreau," iyak-tawang sabi ni Zade na nagtakip pa ng throwpillow. "Did you just hum the Tyranno Song? Nagpapahiwatig ka ba nagusto mo ng triplets!?"
Busted.
YOU ARE READING
Anthology
Ficción GeneralCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).
