I tried to write a convo between Kuya and Andreau na focused sa first night ni A kaso masyadong dry yung convo so I decided na iba na lang. This takes place a week after Andreau entered the house.
Two more ficlets about this universe then I'm done.
*morning; 3 boy housemates & Andreau nasa gym area; nag-eexercise*
Boy Housemate 1: Sino nga naka-assign sa breakfast ngayon?
Boy Housemate 2: Sina Zades at Older Girl Housemate ata eh.
Andreau: Nagluluto na ba sila?
Boy Housemate 3: Yep, kaso kakasimula lang. Tinuturuan ata ni OGH si Zades na magluto ng sinangag.
BH1: *laughs* Goodluck na lang sa sinangag ni Zades. Baka sobrang alat na naman non.
A: Si Zade ba nagluto nung breakfast kahapon?
BH2: Oo. Kaya raw umabot kasi carried away daw siya sa kwentuhan nila ni Beki Housemate. Nauna na naman yung daldal niya!
*natawa ang tatlong housemate*
A: Si Zade, madaldal?
BH1: Sus, walang tigil sa kakadaldal 'yon! Kinakausap nga niya sarili niya eh.
BH3: Pero 'di naman sia baliw, Andreau. Medyo weirdo lang.
A: *confounded* Huh. Really.
BH2: Bakit?
A: Wala lang. Hindi naman siya madaldal eh. Di ba kaming dalawa yung kumuha ng daily task kahapon? Sinungitan niya lang ako. Pero she's so quiet.
BH1: *laughs* Talaga 'tong si Zades! Pati artista sinusungitan! Lakas!
BH2: Pero seryoso, Andreau. Di naman masungit yang si Zades. Siguro nahihiya lang sa 'yo.
A: Ha? Ba't naman?
BH2: *shrugs* Ewan ko. Wag mo na lang yan isipin. Lilipas din yan!
sa confession room..
Big Brother: Kamusta naman ang pananatili mo sa aking bahay, Andreau?
Andreau: *smiles brightly* Ang saya, Kuya. I'm having a great time here! At first medyo kinakabahan ako na kausapin sila pero.. galing! Sobrang accommodating at friendly nilang lahat dito. You have a great set of housemates, Kuya.
BB: Maraming salamat naman at nag-eenjoy ka sa pananatili dito, Andreau. Sino sa mga housemates ang nakakasundo mo ngayon?
A: I'm mostly with the boys. Pati kay Older Girl Housemate. Yung iba medyo hindi ko pa po masyadong nakakausap. Pinapakiramdaman ko pa. Pero so far okay naman silang lahat kuya.
BB: Hindi ka naman ba nahihirapang mag-adjust dito sa aking bahay?
A: Hmm.. not at all. Honestly, ineexpect ko na mahihirapan ako sa pag-aadjust dito, Kuya. Medyo nahirapan lang ako mag-adjust kasi I'm really outdoorsy. I miss the sun and the nature. Pero okay naman, unti-unti na akong nasasanay dito sa loob.
* a beat *
A: Pero Kuya.. I find something really weird.
BB: Ano 'yon, Andreau?
A: Si Zade? The girl with the weird name.
BB: Anong meron kay Zade?
A: *sighs* I don't know why this bothers me a lot. Don't get me wrong.. pero.. I have a feeling na sa lahat ng housemates.. feeling ko hindi ko siya makakasundo?
BB: Bakit naman, Andreau?
A: Kasi.. kahapon po, nung kinuha namin yung daily task dito sa confession room, sinungitan niya ako paglabas namin. *laughs* Ang babaw pala nito pero.. basta kuya, iba talaga pakiramdam ko kay Zade. Feeling ko naoffend ko siya o ano.
BB: Hindi kaya nahihiya lang siya sa'yo? O nastarstruck?
A: Yun din ang sabi nila sa'kin kanina. I don't know anymore. Ang babaw nito pero hindi ako mapakali eh. As far as I know wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ni hindi nga kami nag-uusap!
BB: Baka naman...
A: Po?
BB: Baka naman crush ka ni Zade?
A: *laughs; grins* Kuya.. patay tayo dyan.
sa poolside; Zade & Older Girl Housemate, talking
OGH: Zades? May nakwento pala sa'kin kanina yung boys.
Z: Ano yun, ate?
OGH: Nagtataka na raw si Andreau sa'yo. Ba't mo raw siya sinungitan kahapon sa confession room.
Z: *blushes* EEHHH???? TALAGA????
OGH: Kumalma ka nga dyan! Ba't mo naman tinarayan yung tao?
Z: Eh kasi.. mas madali 'yon! Paano pag kinausap ko siya, baka madulas lang ako! Nakakahiya!
OGH: Sus, normal lang naman magkacrush, Zades.
Z: Normal nga magkacrush, pero abnormal na pag nalaman na ng crush mo na crush mo siya AT magkasama pa kayo sa iisang bahay!
OGH: *laughs* Napaparanoid ka na ata!
Z: Eh kasi ate.. ayoko namang mapahiya sa harapan ni Andreau. Ayokong magfangirl! Nakakahiya!
OGH: Naku, baka dahil dyan sa pagsusungit mo mainis sa'yo si Andreau at mas lalo kang 'di pansinin.
Z: Hindi ko naman goal na mapansin niya eh!
OGH: Talaga lang, Zades? Tignan mo na lang sa ganito, okay? Nasa loob tayo ng bahay, so lahat tayo dito pantay pantay. Hindi ikaw si Fangirl Zade. Hindi rin siya si Heartthrob Andreau. Kayo lang sina Andreau at Zade rito. Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kayo rito, 'di ba?
Z: *sighs* Ano ba 'to ba't ang hiraaaaap!!!!
the next day
kitchen; naabutan ni Zade na nagtitimpla ng kape si Andreau
Z: *yawns*
A: *beat* Good morning, Zade.
Z: *jumps a little* Uhh.. g-good morning din. *reaches for a mug*
A: Teka, ako na. *kinuha ang mug ni Zade* How do you take your coffee?
Z: *stunned* Ha?
A: *smiles* Black, two sugars?
Z: Ah. Actually, three sugars pero okay na rin yung two. Alam mo sabi sa'kin ni OHG bawasan ko raw asukal sa kape ko, may history kasi kami ng diabetes and-- *Andreau laughs* Oh shoot. I'm so sorry. *slaps her cheek* Medyo hindi talaga ako maayos kausap kapag 'di pa ako nakakainom ng kape.
A: *hands her the mug; smiles* Well.. I don't know. Actually, I find it adorable.
Z: *chokes* Ha?
A: *laughs* See? Nagsasalita ka rin pala. Mas okay na madaldal ka, Zade.
YOU ARE READING
Anthology
General FictionCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).