A TSIB alternate universe ficlet.
Prompt: co-stars AU
***
I.
Matapos ang ilang bigong auditions, TV commercials (lollipop, fresh milk at ice cream), pictorials.. nakuha na rin ni Zade ang maliit na role sa isang primetime teleserye.
Her mom couldn’t believe she got it. It was just a small part, medyo extra pa nga siya kung tutuusin, pero proud na proud sa kanya ang mama niya. Three years na rin nilang tinatry makapasok ng showbiz, and finally, on her 14th birthday, she got what she wanted.
This is it, Zades, bulong sa kanya ng mama niya habang nakasakay sila ng tricycle papunta sa set. You’re gonna be a star.
(A star. Kagaya nga ng sabi ng iba, marami pa siyang bigas na dapat kainin. She might as well start now.)
II.
A year after her first teleserye (which ran for six months, and thank God her character didn’t die right away), she met Andreau Cortez.
Hindi siya makapaniwala na magkakasama sila sa iisang teleserye (though maliit lang ulit ang role niya; kaibigan ng kapatid ni Andreau), her second TV stint. Reunion project ng isang 80’s loveteam ang bagong show at jampacked ang cast. Muntik na ngang himatayin ang nanay niya nang makita ang leading man ng show (apparently forever crush ng mama niya ‘yon) bago ang first taping day nila. Siya naman, nastarstruck kay Andreau Cortez.
Crush ba niya si Andreau? Definitely not. She deeply admired the guy’s talent and that’s it. Sa isang afternoon teleserye niya unang napanood si Andreau three years ago. Supporting role lang din siya noon pero napansin ni Zade na magaling siyang umarte. Si Andreau nga ang unang teenage actor (though three years lang ang tanda sa kanya nito) na nagpaiyak sa kanya. His character’s death moved her so much, kaya pinangako niya sa sarili na pagbubutihan niya sa bawat audition na sasalihan niya.
Dahil kay Andreau Cortez, namotivate siyang pagbutihan ang pag-arte.
At ngayon.. magkatrabaho na silang dalawa.
She couldn’t believe her luck.
III.
Hindi niya ine-expect na iba si Andreau Cortex behind the camera.
Zade pegged him as the airy type of guy. The typical “magaling akong umarte at gwapo ako nganga kayo sa fans ko” one. Cool guy kasi si Andreau kaya ‘yon ang unang impression niya. Araw-araw maraming fangirls ang nakaabang sa set nila (an exclusive high school; she’s surprised na hanggang doon ay hinahabol pa rin si Andreau) and.. honestly, nayayabangan siya sa itsura ni Andreau. (But that didn’t mean she never found him attractive. Good Lord, his eyes spoke volumes.)
Kaya ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para hindi sila masyadong mag-usap ni Andreau. Sumasang-ayon naman ata ang script sa kanya dahil madalas sa school set lang sila nagkakasama. Hindi naman talaga siya regular sa palabas, at twice a week lang siya kailangan for tapings so her plan was still intact.
Kaso hindi mawawala sa isang teleserye ang outing episode. Since nakafocus sa kapatid ni Andreau ang sub-arc ng teleserye (and that includes their barkada), no choice siya kundi sumama sa weekend taping sa isang resort sa Batangas. At kung minamalas nga naman, sumabay pa sa quarterly exam niya ang taping day.
The taping was fun, though. She didn’t have many scenes kaya nakapagreview pa siya in between takes. Inaasar pa nga siya ng ibang co-star niya na masyado siyang studious. She just smiled at them and went back to her notes. Pinangako niya sa sarili (at sa Papa niya) na magtatapos siya ng high school. Alam niyang hindi magtatagal ang showbiz stint niya, so kailangan niyang magkaroon ng career alternative: ang maging isang newscaster.
YOU ARE READING
Anthology
General FictionCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).