Foxlikegirl from Tumblr asked: Ate, ficlet naman nina Zade at Little Boss about sa pangarap ni Mr. T na maging girlfriend si Ate Zade. Sobrang cute lang ni Tristan kasi!
Did a little twist! Sana magustuhan mo. I couldn’t resist the idea of Jealous!Andreau though so…
**
(si Andreau ang sumundo kay Tristan sa school after class; natraffic sila on their way home)
Tristan: Kuya Andreau.. ba’t wala pa po kayong girlfriend?
Andreau: *in shock, but quickly recovers with a smile* Uhh.. why’d you ask?
Tristan: *shrugs* Wala lang po. Di ba pag matanda na dapat may girlfriend or boyfriend na? Si Kuya Roldan meron na girlfriend, ‘di ba? Ba’t ikaw po wala pa?
Andreau: Uhh.. err.. Busy kasi ako ngayon, Tristan. You know, with my thesis and stuff. Kailangan ko muna makagraduate kasi.
Tristan: So pag nakagraduate na kayo magkakagirlfriend na kayo, Kuya?
Andreau: *smiles* We’ll see!
Tristan: Yehey! *claps* Sana kuya kasing bait ni Ate Zade yung magiging girlfriend mo ha?
Andreau: Bakit naman?
Tristan: Eh kasi mabait po si Ate Zade. Di nga lang po siya marunong magluto pero okay lang yun!
Andreau: *laughs*
Tristan: Pero pag ako nagkaron ng girlfriend, gusto ko si Ate Zade kuya. Kasi.. para siyang si Mama eh.
Andreau: ….
Tristan: Parehas silang beautiful.. tapos funny pa. Tapos lagi sila may bagong story sa’kin kaya masaya sila kasama. Kaso si Ate Zade minsan ‘di ko maintindihan jokes niya. Pero tumatawa siya mag-isa..
Andreau: ….
Tristan: Ang bait bait pa ni Ate Zade, ano kuya? May free cupcakes tayo dati kaso ngayon wala na. Tsaka mahilig din siya sa pizza!
Tristan: *napansin na tahimik si Andreau* Kuya.. sa tingin mo ba magugustuhan din ako ni Ate Zade? If kasing edad niya ako?
Andreau: *smiles* You’ll do fine, Tristan. You’ll do fine.
Tristan: Sana nga ano, kuya? Bigyan ko kaya siya ng flowers?
Andreau: …….
YOU ARE READING
Anthology
Ficção GeralCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).