First meeting AU x Dialogue ficlet: Mushroom Soup (Sethrang)

13.8K 333 27
                                        

Prompt: we're both sick and we both grabbed the last can of mushroom soup at the store AU

Day 9 of my October Ficlet Writing Challenge


***


"Tangina ako nga nauna dito eh!"

"Ako!"

"Fingerprints ko ang unang lumapat dito kaya akin 'to!"

"How sure are you na fingerprints mo nga ha? Sabay nating nahawaka--"

"Mas nauna ako leche!"

"Mas malala ang sakit ko!"

"Eh kung mas malala bakit ka pa pumunta rito!?"

"For fuck's sakes, Miss. This mushroom soup reminds me of home and my mom, okay? Ang sama na talaga ng pakiramdam ko at gusto ko lang ng sou--"

"Sana bumili ka na lang ng mushroom soup sa KFC. Pakalunod ka pa do'n."

"Eh ba't hindi ikaw ang pumunta do'n?"

"Ayoko nga pake mo ba? May DNA ko na 'to! It's mine!"

"If ie-examine 'tong soup can, I bet may at least eight different fingerprints na makukuha dyan."

"Pucha wag mo akong sina-science pag may sakit ako gago ka--- achoo!"

"Bless you."

"Pakyu, stop being nice. Hindi ko pa rin isusuko 'to sa 'yo!"

"Damn it, I tried."

"Mag-KFC ka na lang kasi--"

"Sa kabilang building ka lang nakatira, right?"

"Wow, stalker much?"

"Yes or no?"

"Bakit kita sasagutin, Sipuning Stalker!"

"May kulangot na dumudungaw sa ilo--"

"Evidence yan na mas malala ang sakit ko kesa sa 'yo at tumabi ka na dyan!"

"I have an idea."

"Save it. I don't care. Go to KFC and don't fucking bother me and my soup."

"Sige, sa 'yo na ya--"

"Thanks. Now leave--"

"Lulutuin mo tapos hahatian mo ako ng lutong soup."

"Dude, may brain damage ka ba? You're crazy! As if papaakyatin kita sa condo ko! No way. Mag-KFC ka na lang!"

"Paano pag namatay ako habang tumatawid papuntang KFC?"

"E 'di gora. Kebs. Bye."

"Miss...I'm begging you, please? Kanina ko pa talaga gustong kumain ng soup. I miss my mom. She's miles away from me right now---"

"Jusko grabe rin yang paawa factor mo ha, pang-MMK!"

"Pag namatay ako mumultuhin kita."

"Ang sama ng ugali mo."

"Mas masama ang ugali mo kasi hindi ka tumutulong sa kapwa."

"Hindi ka magaling mangonsensya alam mo 'yon."

....

....

"Tangina sige na nga."

"Huh?"

"You're fucking shaking. Ang putla mo pa. At takot ako sa multo. Pero isang bowl lang ng soup ha. Isa lang. Pagkakain mo aalis ka rin or else tatawagin ko security guard."

"I'm not a bad person. I'm only after the soup."

"Oo na sige na. Di ba mas malala ang sakit mo? Ikaw na magbayad, baka ikamatay mo pa yan."

"Fine. You win."  

AnthologyWhere stories live. Discover now