Prompt: "we follow each other on instagram but don't know each other that well and i was snooping through and liked a picture from 176 weeks ago oh god" au
After few weeks of Jicker's badgering and Amae's taunting, finally, bumigay na rin si Jersey at gumawa ng sarili niyang Instagram account.
Kinain din niya ang sinabi niya three years ago nung bumili siya ng kauna-unahang iPhone niya. She promised na never siyang sasali sa Instagram dahil, to quote her, Para sa mga vain at pasikat lang ang Instagram. Yeah, I love to take photos pero sa blog ko na lang ipopost 'yon. Hindi talaga para sa'kin ang Instagram na yan! Ilang beses na rin niyang binatukan si Jicker dahil sa mala-ninja nitong pag-install ng app sa phone niya. Hindi talaga niya magets kung anong meron sa Instagram hype. In fact, she's fed up with it. Iritang-irita siya sa mga kaibigan niyang kumukuha ng #foodporn bago kumain, nagpopost ng #ootd at kung anu-ano pang vain shit. May ilan na rin siyang inunfollow sa Twitter at inunfriend sa Facebook dahil sa paglink ng Instagram posts sa feeds nila.
Si Jicker talaga ang may kasalanan nito eh. Kung hindi siya ginamitan nito ng Jersey ano ba gagraduate na tayo in four months please lang gumawa ka na ng IG!!!! Muntanga na posts namin kasi ikaw lang ang 'di naka-tag! Lumabas ka na sa lungga mo the 2015 na!!!, malamang walang annoying na app sa homescreen ng phone niya. Nagbura tuloy siya ng ilang videos para lang ma-install ang (lintek) na Instagram app na yan.
Gumawa nga siya ng account, but that doesn't mean na magpopost siya ng photos. Gusto lang niyang tumigil ang pangungulit nina Jicker at Amae. Problema nila na siya lang ang hindi nata-tag sa photos? Fine, problem solved.
She explored the app for few minutes, though. At dahil hindi pa siya sanay (o sadyang ignorante lang) sa paggamit ng app, she accidentally pressed Okay nang tanungin siya kung gusto niyang i-follow ang Facebook friends niya na may Instagram account. Ugh, one more reason na hindi niya ichecheck ang app na 'yon ever.
Hindi na niya ginalaw ang Instagram app niya after that. Ayaw niyang magpost ng selfie o kahit #QOTD man lang. She only made the account for her friends, and not for herself. Sana matuwa na sila sa malaking sakripisyo na ginawa niya para sa kanila.
**
Two weeks later, she found herself awake at 2:21 am.
Sinisisi niya ang tatlong espresso shots na nilagay ni Amae sa kape niya kaninang dinner. She was supposed to pull an all-nighter para matapos ang last term paper niya ngayong college. Much to her dismay, namove ang deadline ng paper next week so wala pa siyang dapat ikabahala pa. Nauwi tuloy siya sa panonood ng random Youtube cover videos at nagbasa ng lumang handouts.
At kahit anong gawin niya, ayaw pa rin siyang dalawin ng antok.
Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang Instagram account niya. Bigla siyang nacurious sa groufie (God, sino bang nag-iisip ng terms na 'to?) na kinunan nila nung dinner. Instagram profile lang sana ni Jicker ang titignan niya, but one thing led to another, she ended up browsing her Instagram newsfeed. Nilagpasan niya ang selfies, nagscreenshot ng mga #OOTD at #foodporn at nagdouble tap ng ilang interesting photos (She was surprised na traveler pala ang kaklase niya sa Educ 31 two sems ago. Mayaman pala 'yon? Hindi halata!). Hindi naman pala ganun kaannoying ang Instagram, she realized 20 minutes into her browsing spree. Kailangan lang niyang iunfollow yung mga jeje at GGSS, at sure na siyang mae-enjoy niya 'tong app. She might even post photos soon!
Ico-close na niya sana ang app nang may nakita siyang magandang photo. Simple lang naman 'yon kung tutuusin, sunset lang sa Manila Bay. Ilang beses na niyang ginawang subject ang sunset na 'yon sa folios niya but that photo was different. Ngayon lang niya nakita na ganun ang kulay ng Manila Bay sunset. It was so beautiful and breathtaking.
YOU ARE READING
Anthology
Fiksi UmumCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).