THIS IS MY 100TH FICLET! I'M SO HAPPY!!!!
So.. background sa ficlet na 'to. I've been thinking about this for weeks now. Hindi ko alam kung bakit pumasok 'to sa isip ko. Siguro nasobrahan ako sa kakastalk sa tagged posts ng Instagram ni Paulo Avelino (char) o sadyang ang dami kong time para mag-isip..
Anyway, nung Pasko ko pa 'to sinimulang isulat. Nakapanood kasi ako ng isang video ng mall show ni Paulo sa Cebu nung early December kaya eto, nakapagproduce ako ng isang first meeting AU nina Andreau and Zade.
What if unang nagmeet sina Andreau and Zade sa isang mall show?
**
"Kesh ano ba! Magrereview pa ako!"
Inirapan lang siya ni Kesh. "Girl sasaglit lang naman tayo! Gusto ko lang makita nang malapitan si Andreau!"
"Malapitan? Bulag ka ba ha? Ang daming tao! Hindi na nga ako makahinga sa sobrang sikip!"
"Zade naman eh," her friend whined. "Minsan lang o! Sinamahan naman kita sa book haul mo ah. Promise 30 minutes lang talaga tayo! Suporta na lang girl! Alam mo namang fa--"
"Isa ka sa rabid Dreausters na laging ready for Twitter fan wars. Yeah, I know." Napailing na lang siya. Wala na siyang choice kundi suportahan na lang si Kesh. Alam niya kasing kokonsensyahin lang siya ng roommate for the whole week kapag 'di niya ito sinamahan. "Fine, 30 minutes lang ha? Susunugin ko lahat ng magazines mo ni Andreau pag lumagpas sa 30 minutes!"
"Eeeee!!! The best ka talaga, Zades!!" Kesh enveloped her in signature bear hug of death. "Finally mae-experience mo na rin ang Cortez Charm na matagal ko nang sinasabi sa 'yo! Baka mapanganga ka na lang girl!"
Natawa na lang siya sa sinabi ni Kesh. Siya, matatamaan ng Cortez Charm? Sobrang imposible.
**
Mall shows were never his thing, pero wala nang ibang choice si Andreau kundi gawin 'yon. It's a part of his goddamn job. Hindi pa nagsisimula ang production ng bago niyang teleserye kaya ito lang ang pwede niyang gawin para masustain ang kanyang presence sa fans. (But he hates every second of it.)
Isa't kalahating oras lang naman ng pagpapakilig, kaunting landi at not-so epic fail na kakanta. Kung pwede nga lang na magpakita lang siya sa crowd at ngumiti tapos sibat na eh, kaso tiyak na patay siya kay Mars pag ginawa niya 'yon. Na-appreciate naman yan ang efforts ng lahat ng fans na pumupunta sa mall shows niya. He wouldn't be this successful if not for his fans. Pero... ugh. Gusto lang niya ng katahimikan.
Automatic niyang finlash ang patented Cortez Charm Smile niya sa fangirls na sumalubong sa kanya sa parking lot ng mall. That smile never failed to gain a rabid reaction from every single girl he met. Ang hindi alam ng karamihan, hindi 'yon ang totoo niyang ngiti.
(Honestly, he doesn't know how to smile genuinely. Wala kasi siyang rason para ngumiti nang gano'n.)
Mas lumakas ang hiyawan sa kanya nang pumasok na siya sa loob ng mall. May nakabantay ata sa kanya sa lahat ng floor ng building. Sanay na siya sa feeling na parang mabibingi nang dahil sa tilian. Once he entered the backstage tent, sumalang agad siya sa makeup table para magretouch nang kaunti. The floor director approached him para i-rundown ang program sa kanya. (Hindi na siya masyadong nakinig. Pare-parehas lang naman ang program sa lahat ng mall show niya. Pakiligin mo sila, Andreau. You do that so fucking well.)
"Ano, okay ka lang?" tanong sa kanya ni Mars, five minutes bago siya lumabas ng tent. "You're unusually quiet today. Wala ka bang sakit?"
"I'm fine," he replied curtly. Dinagdagan pa niya ng kaunting ngiti kahit alam niyang hindi effective 'yon sa road manager niya. "Sanay na ako sa ganito, Mars. Don't worry about me."

YOU ARE READING
Anthology
General FictionCollection of ficlets/one shots for my stories (TDG, IIF, TMEUAS and TSIB).