inspired by:
FLOWER OF EVIL
(K-DRAMA)Hindi maganda ang umaga ni Zelle, tila magirap sa kanya na bumalik sa nakaraang nangyari at lumipas na. Dahil sa pagod, pag-aalala, takot at pag dududang naramdaman niya hindi na niya kayang mag isip ng maayos basta ang nasa isip niya ay ang kapatid niya lamang...
Gusto niyang ialis ang pagdududa niya sa taong di naman niya alam kung totoo nga ba! pero gusto niyang malaman kaya naisip niyang dapat ipansantabi lang muna ang mga bagay na iyon.
Bumangon na siya, nag ayos sa buhok niya at humarap sa salamin. tinititigan niya ang kanyang sarili na tilay nakasimangot siyang titigan ito.
"hayy nako Zelle! tila wala kanang ayus sa sarili mo... pagod kana at kahit kailan walang lalaking magkakagusto sayo! kinakausap niya ang sarili at pinapayuhan niya ito...
"ate? magandang ngiting sabi ni Franco.
"ohh! sabi mo maaga ka ngayon!? bat andito ka pa?
"nakahanda nanga ako ate, ehh kaso......----------
"kaso, wala kang baon..
napakamot sa ulo si Franco at tila nahiya siya ng kunti...
"pasensya na ate.
"nahiya ka pa, ate mo'ko at naiwan ka sa akin kaya responsibilidad kita... nawala man sila mama at papa nandito ka naman sa akin, kaya kung anong gusto mong hingin, hingin mo sa akin kung ma ibibigay ako....--- 'hhm ito na, ayusin mo yan ahh 1week allowance mo yan...
"thank you ate. wag kang mag-alala sisikapin ko para hindi na ako maging pabigat sayo.
"sigeh na, baka ma late kapa...
"bye ate... lab you...
"lab you.
Nagmadali na si Franco para sa skwela niya, habang naghahanda naman ng almusal si Zelle, Tila tahimik ang bahay at maaliwalas ang umaga ngunit hindi naman maganda ang pakiramdam ni Zelle dahil nangangamba siya lalo pa't nag iisa siya ngayon.
Isang oras ang lumipas, natapos na siya sa mga gawain.. kumain narin siya habang nagbababad sa cellphone niya, at nag aabang sa mga kasambahay at guwardiya na hinire niya kahapon lang.
Pagkatapos niyang Kumain naisip niyang i check si Kinght kung maayos naba ang lagay nito.
"tila kinakabahan parin ako, sana nga mali ako... hindi naman siguro mabuti na pagdudahan ko siya, pero mali na maging kampanti ako! hayst! sana naman Zelle maging wais ka. Ang tanong ko lang naman, Bakit may maliit na maso sa bag niya? At yung Jacket niya, parehong pareho sa suot ng lalaking iyon na pumatay sa magulang ko! hindi kaya?,,, kasabwat siya ng lalaking iyon! Diyos ko! natatakot ako para kay Franco! Hanggang saan ang pagdududa ko nito sa kanya?"
Bumaba siya ng bahay at pumunta sa Clinic niya, nang umabot na siya ng pinto, ay parang kinakabahan siya at nagdadalawang isip. Nag lakas loob siyang buksan ang pinto at pinigilan ang takot niya at kailangan niyang maging matapang kaya bumuntong hininga siya at agad na binuksan ang pinto, sinilip niyang mabuti ang kurtinang nakaharang sa kama, dahil manipis ang kurtina ay kunting panliliit lang ng mata ay makikita mo na ang kung sino man ang nandon. at nakita naman ni Zelle na maayos ang lagay nito na parang ang himbing nang tulog nito... pero nakaisip din siya na baka patay na ito at hindi nakarecover.
YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Randomlove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.