CHAPTER 6

18 10 1
                                    

            DRIVER NA, BODY GUARD PA!

            dedicated to: andelynINDAYNI

March 27, 2000

"Nasaan po tayo papa...? tanong ni Zoren habang bumaba sa truck.

"Pumasok ka run! hintayin mo'ko... utos ng ama kay Zoren.

"opo!... papa"... Hindi alam ni Zoren kung anong gagawin niya... Naramdaman niya lamang ang takot sa kanyang sarili.

Pumasok si Zoren sa isang lumang bahay, at parang nagdalawang isip pa siya  kung papasok ba siya o hindi. Ang alam niya lang ay natatakot siya. Nang makapasok siya sa bahay dahan dahan siyang humakbang ng biglang may nahulog na daga malapit sa kanya, kaya agad rin siyang natakot.

"daga lang yun! wag kang matakot... sumunod ka sa akin"... sabi ng ama ng maabutan siya sa loob...

Sumunod si Zoren at hindi mawala sa isip niya ang takot kung anong mangyayari sa kanya at kung anong gagawin nila sa bahay na ito. Nakikita niya ang kotselyong nakabitay at maliit na maso... tinititigan lang niya ito hanggang sa napatingin siya ng magsalita ang Ama niya.

"Ikaw ang panganay ko, at hindi kita ikinakahiya bilang anak ko... kaya naman may ibibigay  ako". Sabi ng ama niya na tila ngumingiti habang binibigay sa kanya ang masong gawa niya.

"Ano yan papa!? natatakot niyang tanong.

"Ito? Magagamit mo yan sa oras kung saan may gagawin sila sayo at lalo na kung may aaway sayo... nabalitaan ko kasi na binubuli ka sa school niya". paliwanag ng ama ng hinawakan ni Zoren ang Maso.

"Anong ibig mong sabihin papa!?

"Wag kang mabibigla!? hindi ka naman magiging maayos kung hindi mo sisimulan!

"Papa anong gagawin ko dito?

"Hindi mo ba ako naririnig!? Hayst! tch tch tch... lumapit siya  at ipinatong niya ang kamay sa ulo ni Zoren . "tandaan mo! lahat ng iuutos ko!? susundin mo!? maliwanag?

"opo papa!!! takot na sagot ni Zoren sa pagbabanta ng ama niya sa kanya...

Hindi rin maintindihan ni Zoren kung anong ibig sabihin ng ama niya... Wala rin siyang magagawa kung hindi ang sumunod lang sa ama niya... Pinasunod siya ng ama at pumasok sa loob ng kulungan ng mga aso... Kinuha ng ama niya ang isang asong maputi na kung titingnan ay napakamagandang aso na maiisip mo talagang mayaman ang amo nito.

"susubikin ko ang lakas mo, lalo na ang tapang mo! ipakita mo sa akin na ikaw ang tunay kong anak... na kaya mong gawin para sa akin ang ipapagawa ko... at ipakita mo rin sa akin na paborito kita!"

"Anong ibig sabihin nito papa!

"Itong aso! ibig kong patayin mo siya. Magagawa mo ang gusto mo... wala naman itong kalabanlaban kaya gawin mo na ang inuutos ko!"

"Papa? hindi ko po magagawa yan!

"Hindi! magagawa mo'to! subukan mo lang! pamimilit ng ama.

"Papa hindi ko talaga kaya!

"Duwag ka ba!? pinapakita mo ba sa akin na isa kang duwag!? alam mo.... wala akong anak na duwag! kaya gawin mo na!

"Papa! hinahanap na po ako ni mama umuwi na po tayo..!

"Wag mo nang alalahanin ang ina mo, tatalakan ka lang non at papagalitan... Nandito naman ako! kaya gawin mo na! pamimilit parin ng ama.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now