"KNIGHT POV"
Sa pamamalagi ko sa kulungan ay nasanay narin ako, pero minsan hindi nakayanan na hindi umiyak habang iniisip ko kung ano ang magiging kahihinatnan nito sa akin.
Nakakabagot at yung tipong gusto mong maglakad, magsaya, at maglibang ay wala kang magawa kung hindi ang tanggapin ang buhay na ito, ang hirap talagang na sa kulungan ka! para kang aso na kunukulong at hahatiran lang ng pagkain!
Habang tahimik akong nakaupo, Rinig ko ang mga boses na tila nagtatalo sila. Ewan ko pero may boses babae at lalaki... at nang papalapit ng papalapit sila sa akin, tila pamilyar na boses ang narinig ko, Si Zelle ata to!
"Please Zelle answer me now! Who's that Guy! Sabi nito na tila namimilit siya, at tingin ko si Zelle ang sinasabihan niya.
At napatayo na ako, nang silang dalawa ay nakita na ng dalawa kong mata, at sino itong lalaking ito? Bakit niya kinakausap si Zelle ng wala sa tuno?
"Siya! Nilingon ako ni Zelle pero wala akong imik, at tinignan lang siya! tila nasanay ako sa katahimikan dito! At sinisilip-silip ko talaga ang lalaking ito... basta di ko siya Kilala.
"What!!!!??? sabi nong lalaking kasama niya sabay gulat! at napatingin sa akin saglit!
"Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?
"Oo! siya... pagtataray na sabi ni Zelle sa kanya, at tila seryuso ang mukha niya!
Nakikinig lang ako sa kanila at di ako sumasabat, hindi ko rin naman alam kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Wait! you're joking right? sabi pa nito na parang hindi siya makapaniwala, at gulat na gulat siya ng sabihin ito ni Zelle.
"No I'm not! seryuso paring sabi ni Zelle.
"Zelle pwede ba? magseryuso ka naman! hindi parin siya naniniwala basi sa expression ng mukha niya.
"Tingin mo hindi ako nagseseryuso? Nilapitan niya ang lalaki at tinitigan sa mata.
"It can't be! I don't believe you!? what are you doing Zelle!? Parang hindi ikaw yan! ganon parin ang mukha niya.
"Ikaw may sabi niyang at hindi ako! seryuso paring sabi ni Zelle.
Hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ni Zelle sa kanya, at tingin ko seryuso naman si Zelle kaya parang may pinagtatalunan talaga sila! Kilala ko naman si Zelle, ugali niya palang, ugali niyang seryuso ang mukha at kung magdedesisyon siya yun na talaga yun, wala ng iba pa!
Habang tinatanggal ni Zelle ang kandado sa kadena, Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon, E lagi naman yung gwardiya ang gagawa non! At mas naguluhan pa ako ng lapitan niya ako at tanggalan ng posas sa kamay at kadena sa dalawa kong paa.
"Zelle? ano ito? Bulong ko sa kanya!
"Salamat! at pinaniwala mo'ko! at patawad dahil mali ang nagawa ko sayo at mali rin ang pagtrato ko sayo! Pero malaya ka na! sabi ko sa kanya! Hindi ako agad naniwala sa kanya, pero ang seryuso niya kung magsalita.
"Seryuso ka ba sa sinasabi mo! baka naman nagbi------- sabi ko habang bumubulong.
"Totoo ang sinasabi ko! kaya wag kanang maraming tanong! seryuso paring sabi niya.
"Totoo? sabi ko na nagagalak, masaya at hindi makapaniwala.... tila ang sarap sa pakiramdam na marinig sa kanya ang salitang iyon!
"Nakakainis ka talaga! paulit-ulit ka! inis niya sa akin.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Aléatoirelove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.