"JACK POV"
Mukhang may pag-asa na ako para layuan ang lahat ng problemang ito! Kailangan ko nang lumayo dahil ayaw kong mangyari ang nangyari sa Ama ko! Ayaw kong makulong. Hindi maaari!
Isa akong salot sa lipunang ito! Isa akong masama... Isa akong Halimaw na laging sinasabi ng lahat! Naging Most wanted kami ng bansa! at diko kaya na tanggapin ang sinimulan ko! Kung makukulong ako... hindi ako maging malaya at mabubulok ako sa kulungan habang buhay! Doon ako tatanda, Babait at mamamatay!
Hindi ko kayang tanggapin ang parusang ibibigay sa akin ng habang buhay, Pero paano!? Paano ako makakatakas dito!? Kahit saan ako magpunta mahahanap at mahahanap din nila ako. Lagot na! Anong gagawin ko.
Pag bumalik pa ako sa amin, siguradong hindi ko magugustuhan ang gagawin ni papa... Pag nangyari yun! wala na akong magagawa. Saan ako lulugar ngayon, Kung wala na akong pagpipilian pa. Bu*esit na buhay to! Ang hirap mag tago ng maraming nakakakilala sayo, lalo pa't malaking nakapatong sa mga ulo namin.
Ano pa ba ang gagawin ko!? Hindi ko na alam kung paano ako makakaligtas sa mundong pinasok ko. Hindi ko kasalanan to! Walang hiya ka papa! Isa kang halimaw! hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sayo. Wala kang tinirang kabutihan para sa amin.
Kung sa oras na mahuli ako, wala na akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng iyon! Pero ayaw kong makulong o kaya naman ay pwede ko nalang tapusin ang sarili ko! total wala naman na akong saysay sa mundong to! Bakas na sa mga tao ang kasalanang ginawa ko, Sirang sira narin ang buong pagkatao ko.
Aaminin ko, takot ako! At kinakampihan ko lang kung sino ang magdadala sa akin sa maayos na buhay! Kaya nong sinabi ni Dark kanina ang tungkol kay papa, gusto ko siyang kampihan pero nagkagulo na nang biglang bumungad sa amin si Papa, Sigurado akong narinig niya ang lahat ng sinabi namin ni Dark.
At gulat talaga kaming nandoon siya, Ngayon lang uli namin nakitang lumabas si papa dahil sa pagkakaalam namin ay takot siyang mahuli ng mga police. Pero parang ang tapang niya kanina para magpakita sa amin... at sigurado akong sinundan lang niya kami kanina.
Nang magkahiwalay hiwalay na kami kanina, hindi ko alam kung saan sila napadpad ngayon! Pero sana hindi na nila ako makita o mahanap. Dahil ayaw kong mahuli ng hindi ko magawa ang gusto ko.
Ang babaeng humabol sa amin kanina kasama ang tatlong police, sigurado akong siya yun! Siya yung babaeng nakaligtas nong oras na pagpapatayin namin sila at yun din ang oras na nakulong si papa, kaya laking galit ni papa sa babaeng yun! Pero hindi ko na alam kung anong kasunod na nangyari.
Si Dark hindi ko rin alam kung saan na napadpad yun! dahil sa pagkakaalam ko isang police lang ang humabol sa kanya, maliban sa akin na Dalawa at mabuti nalang natakasan ko sila. Pero si papa, hindi ko alam kung ano nang nangayri doon! malabo naman sigurong mahuli siya ng ganon ganon lang.
Pero maswerte ako ngayon at nakaligtas pa.
.
.
"KNIGHT POV"Hindi ko na kaya ang mga nangyayari ngayon mukhang tingin ko'y dilikado na para maging kampanti kami sa lahat ng oras. Ewan ko kung anong mangyayari pero masama ang kutob ko at di ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko nang plano para dito.
Kanina lang mukhang alam ko nang pinaglalaruan na ako ng Ama ko, mukhang kumikilos na siya para takutin kami lalo na ako. Sino ba ang hindi mag aalerto kung sinusubukan na ako ng nag-iisa kong ama na nagdadala sa akin ng paghihirap na ito.
Nang makabalik na kami sa loob ng hospital, wala kaming emosiyon ng makarating doon, nagpahinga si Zelle at hindi naman ako makampanti kung anong gagawin ko. Naisip kong tawagan sina Yumi. Pero natigilan ako ng dumating si Lester at kinausap ako.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
عشوائيlove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.