CHAPTER 15

7 8 2
                                        

"ZELLE POV"

Agad akong nagbihis at umalis, hindi ko narin inabala pa si manong dahil kaya ko namang mag drive mag-isa.  Hindi ko narin inaasahan na may tutulong sa akin pagkat kaya ko namang lumaban at ipagtanggol ang sarili ko.

Sa oras nato, mukhang kailangan kong magmadali. Mabilis akong mag drive para mas mabilis akong makapunta sa pupuntahan ko. Dahil sa sarado na ang hospital na pinagtatrabahuan ko noon, sa isang hospital nalang ako pumunta kung saan kaibigan ko ang may-ari non dahil siya rin ang nagturo sa akin na maging nurse ako.

Nang makarating doon, hinanap ko agad siya at alam kong may inaasikaso pa siya kaya naghintay nalang ako ng Isang Oras.... Pagkatapos ng isang Oras ay nasilayan ko na ang hinahanap ko...

"Masaya akong makita kang muli Zelle? Ang tagal rin nong umalis ka dito.... mukhang may kailangan ka hindi ba? Masayang bati ni Doc. Lizel sa akin.

"Ahm, pasensya na po at naabala pa ho kita! Mapagkumbaba namang sabi ko.

"Ano ka ba, kahit ano matutulungan kita! Kung alam mo lang? malaki ang naitulong ng magulang mo sa akin para mapatayo ang hospital nato... so?, anong kailangan mo?

Ibinigay ko ang sample sa kanya, at habang kinukuha ko ito sa bag ko nagulat siya ng makita niya ang masong ito! May alam din kasi siya sa past ko, siya rin ang tumulong sa akin noon na kalimutan ang lahat para maging maayos ulit at bumangon ng may tapang at lakas ng loob. At tungkol sa bagay nato tinulungan niya akong maging matapang, siya rin ang nakiramay sa akin sa mga panahong lugmok ako.

Ilang minuto pa, Pagkatapos ng mahabang pag-uusap naming dalawa ay inumpisahan na niya ang testing at nag-paalam narin ako sa kanya dahil matatagalan daw ang Testing bago makuha ang Result nito. Kaya masaya akong makita siyang muli, dahil muli ko siyang nakausap, nakita, at sabay rin kaming kumain sa loob ng hospital doon sa tinatawag niyang Mini House. At ngayon, sana mapagtagumpayan ko ito.

Agad akong umalis sa Hospital at nagpaalam ng maayos... Masaya naman kasi si Doc. Lizel ng muli akong nagpakita sa kanya. At ngayon, may isa pa akong kailangang puntahan.... isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan at siya rin ang nag odyuk sa akin para maging police at kayang lumaban sa kung sino man... Isa lang naman siyang Half Filipino Half Korean, at Champion ng Taekwondo... Mayaman sila... at malayong-malayo ang ibabyahe ko nito. Meron silang Malaking Gym, At pagmamay-ari nila ang  Isang sikat na Bar, At Naipatayo din nila ang Skwelahan na kung saan doon nag-aaral ang kapatid ko! At isa pa, May Paaralan din sila kung saan matutoto ang gustong matuto ng Taekwondo. Pero Isa sa mga pinakamagandang puntahan at maeenjoy mo talaga ay ang napakagandang Resort nila...

At ngayon, mukhang malapit na akong makarating sa bahay nila. Agad akong nag Doorbell at agad ko lang napansin bakit walang bantay dito? Natutuwa pa naman ako sa bantay nila, kasi naman mga totoong Ninja talaga ang bantay nila. magugulat ka nalang dahil mabibilis silang kumilos.

Agad akong sinalubong ng katulong nila, na ang suot ng katulong nila ay pang korean talaga. Agad niya rin akong pinapapasok at nang makapasok ako sa loob ay nagmamatyag talaga siya bago isinara yung gate.

Kung makikita mo ang buong paligid halos lahat gawang korean talaga, At mamamangha ka talaga dahil punong puno ng ilaw ang bahay nila pag gabi... mukhang gumanda lalo ang bahay nato simula nong umalis kami ng kapatid ko dito at tumira sa bagong Bahay namin.

At ngayon nakapasok na ako sa kaluob-luoban ng bahay, at napakaganda talaga sa loob... parang langit kung maihahambing mo... hindi ka naman mukhang patay kung nakapasok ka na, mamamangha ka lang kasi Lahat ng gamit sa loob ay original gold. At ngayon pinaupo ako ng katulong nila...

"Maupo muna kayo at tatawagin ko lang si Ma'am! Sabi nong katulong.

Hindi ko inaasahan ng bigla akong bigyan ng tea nong isa pang katulong. At maya-maya pa, dumating din yung isa pang katulong at binigyan ako ng isang slice na Cake.. Nagugulat ako, e Hindi naman ito ganito dati, parang naninibago lang ako. Pero ayos narin kasi maganda ang serbisyo nila. Pero bakit tila ang bait nila sa akin? Agad rin akong pinapapasok duon sa labas at hinatid pa ako, pagkatapos pinaupo at pinainom ng tea at pinakain ng cake! Parang ang bilis lang ng pangyayari? E dapat maging mapanuri sila bago nila ako papapasukin! E hanggang ngayon wala pa siya! At may napansin lang ako, bawat sulok ng bahay may Camera, hindi yung normal na camera dahil isa itong CCTV na hindi mo makikita o mahalugilap agad.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now