"ELTON POV"
Tila hindi maganda ang pangitain ko ngayon, isang nakakapang hindik sa balahibo ko ang mga nangyayari ngayon! Bu*iset! Hindi dapat masira ang mga plano ko. Wala kayong magagawa, hindi niyo ako makukuha...
Hindi ako papayag na masira ang lahat ng mga napagtagumpayan ko! Walang makakahuli sa akin, mamamatay kayong lahat! Hindi. Hindi. Hindi maaari 'to.
Wala nga ba? Wala nga bang nagmamahal sa akin? Mga wala kayong kwenta! Mga hayop kayo... isa kayong mga halimaw!
Tingin ko? Wala na akong magagawa pa, kung hindi ang patunayan sa lahat na hindi ako mahina...
.
.
.Tila wala na siya sa sarili niya, At ang tanging iniisip niya lang ay natakot siya na baka wala na siyang oras para makuha niya si Knight, Hindi niya kayang magawa na muling kumitil ng buhay ngayon, lalo pa't nagkalat na ang mga police sa kahit ano mang sulok ng lugar nila, kaya wala paring nakakaalam sa pinagtataguan nila ngayon.
Pero sa sitwasiyon niya, tila nababahala siya na parang wala siyang magawa kung hindi ang magtago nalang. At hindi lumaban, tingin niya ang iniisip ng mga police ngayon ay isa siyang duwag.
Hawak Hawak niya ang matalim at duguang kutsilyo ngayon na tila nagagalit siya, bakas ang pawis niya habang tinitignan niya isa isa ang mga larawan na kanyang napatay sa iba't ibang pamilya. mula sa unang pamilya hanggang sa ika Dalawampo't apat na pamilyang kaniya ng nasawi.
Lahat ng Larawan ng mga biktimang pamilya ay may markang ekis na kulay pula. Pero Ang pang labing tatlong larawan ay kitang kita na wala pang marka. At ang pamilyang ito ay ang pamilya ni Zelle. Hindi niya ito nilagyan ng marka pagkat hindi pa niya napapatay ang Magkapatid. Dahil sa mga oras nayon doon siya nakulong... at muling nakatakas... at ganon parin siya hanggang ngayon.
.
.
."Gusto niyo ng laro? Puwes bibigyan ko kayong ng laro! hindi lang basta laro!? kung hindi patayang laro. hahahahah sabi ko na nasusuklam ako, may galit, at hindi na ako makakapaghintay pa.
"Papa? kinakausap mo na naman ang sarili mo!? bigla namang sumulpot 'tong paborito kong anak, pero hindi siya ang mas pinaka pa-bo-ri-to ko!
"Ginulat mo naman ako!? Wala sa emosiyon kong sabi, tila ba'y napipikon ako sa kanya.
Kung kakampihan ko ba naman siya tila'y iniisip niyang magaling na siya. Paniwalang paniwala rin siyang siya ang "tunay" kong anak kahit hindi pa naman niya napapa"tunay"an sa akin. Magaling si Dark. At nakikita ko ang puso niya na parehong pareho kami. Pero may hinahanap ako sa kanya na hindi niya kayang magawa. Para bang.... may wala sa kanya na meron si Knight.
Oo. Aaminin ko, simula't sapol hinahangaan ko si Dark, tingin ko napaka galing niya, walang duda, at pinapahanga niya ako lagi, at nabibigyan niya ng gante ang lahat ng may atraso sa akin. At hindi ko pa siya nakikitaan ng mali... Lahat! nagawa niya ng malinis at walang dumi. Lahat ng may atraso? Pa-taayyy! Kaya lagi ko siyang sinasabak sa mga gawain namin. Pero dahil duon! lumaki ang ulo niya, nilagay niya sa kukuti niya na siya ang mataaas sa lahat. At tila hindi niya na ako kinikilla bilang Ama niya. Sumusubra na siya sa mga kinikilos niya, at kung makapagsalita siya ay wala lang. Para lang akong isang kakilala niya.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Randomlove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.