"KNIGHT POV"
Hindi na ako ngasalita pa, matapos nila akong pagtawanan... akala nila biro lang sa akin yun, pero seryuso naman ako! Na-offend lang ako ng kunti at nainis din, Ayos lang na pagtawanan ako ni Zelle ang kaso sumabay pa'tong isa!
Nakakainis talaga siya para sa akin! at hindi ko malaman kung anong koneksiyon niya kay Zelle na tila may malalim na kahulugan at pinagsamahan sila na palagay ko palang malapit sila sa isat isa! Hindi kaya ganito ang ugali ni Zelle dahil sa lalaking ito? pansin ko lang ang pagsasama nila ngayon!
Mula sa tinginan, at seryusong pag-uusap lalo na sa tuwing magkalapit sila tingin ko meron talaga eh! Kung totoo ang kutob ko!?........ teka nga! Ba't ko ba sila pinag-uusapan? wala naman akong paki-alam sa kanilang dalawa! ewan ko! nadala lang siguro ako ng inis ko! Pero kung meron man!? parehas lang height namin! pero mas lamang siya sa akin! Mayaman siya eh!
Hayst! tama nanga ito!, binibigyan ko lang ng kahulugan tong pagdududa ko e wala naman yan sa plano ko.
Sa Mahabang byahe nakaramdam na ako ng antok, at itong katabi ko kanina pa pala natutulog! At kunting paandar nalang nandito na kami sa bahay ni Zelle.
Masaya akong muli ko nanamang maamoy ang simoy ng hangin, ganda ng paligid, at mapayapang buhay na kung minsan ginugulo at nagugulo! Makikita ko na si mama ulit, at lahat ng naumpisahan ko sa bahay na ito? mararanasan kong muli... at balik na uli sa dati!
Hindi ko akalain na pinatira parin ni Zelle ang ina ko sa bahay niya, akala ko pinalayas niya dahil sa akin! Kahit isang beses man lang hindi niya pinadalaw sa prisinto, e paano din naman kasi pinagbawalan nila.... dahil sa record ko na killer! e hindi naman ako mamamatay tao, Marami na talagang nalinlang sa akin at sa kakambal ko! Pero ganon paman, nakalaya na ako at isa ito muling oportonidad para sa akin na gagawin ko na ang lahat para mabago ang apelido ko at ng buong pamilya ko! Hindi ko itatanggi na ako mismo ang huhuli sa kanila! na kahit kadugo ko sila! hindi ko sila ituturing pamilya ko.... dahil halimaw ang mga katulad nila!
Maliban sa mga kapatid ko, parang di ko kaya na harapin sila lalo pa't nabilog lang ang mga ulo nila dahil sa ama ko! Pero kahit na ganon kailangan ko pa ring mag-iingat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bumyahe na muli kami ng nag green light na yung traffic sign, at sa malayong binyahe namin para lang makauwi tila napansin kong antokin pala 'tong katabi ko! tsaka ang pangit niyang matulog... dahil nakanganga siya ng makita ko! napagod siguro ng magtalo sila ni Zelle kanina!
Ilang takbo nalang ng kotse ay malapit na kaming makarating sa bahay ni Zelle... At nang mapansin ko na ang pamilyar na bahay na ito, sigurado akong isang liko ay nandon na kami...
Huminto na ang kotse pero tulog parin ang isang 'to! Bumaba na ako agad at lumiko sa pintuan ni Zelle, gusto ko sanang pagbigyan siya ng kamay... susubukan kong kaya niya pang muli na hawakan ang kamay ko!
Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan na tila totok na totok siya kakapindot sa cellphone niya, ewan ko ba kung may problema o importante lang ang ginagawa niya pero tila malalim ang iniisip niya at talagang seryuso siya dito.
Hindi niya napansin ang pagbukas ko ng pinto, kaya inisturbo ko siya.
"Ano yan!? sabay hablot ko ng cellphone niya pero agad niya itong iniwas sa akin kaya hindi ko nakuha!
"Wala! gulat na sabi niya ng iniwas niya sa akin ito.
"Ba't parang seryuso ka na tignan ang phone mo? may problema bah? tanong ko sa kanya!
"Ahm, May sinabi lang ang grupo ko! at isa pa kailangan ko lang malaman kong tapos na ba yung testing duon sa mahalagang bagay na ibinigay ko kay doc.! paliwanag niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/358452116-288-k253375.jpg)
YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Randomlove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.