CHAPTER 34

0 0 0
                                    

"YUMI POV"

Kumpirmado! sila nga!, Takot ako pero kailangan ko itong gawin hindi man ako siguradong makakaligtas ako, pero ito narin ang daan ko para malutas ang problemang ang hirap ng isipin at pagdaaanan.

Hawak namin ang misyon na ito kung saan noon palang ay ginawa na namin at nasubukan... Sa ulat na ibinigay sa amin ni Knight nong isang gabi agad naming kinunan ng impormasyon at hindi mawala sa amin ang kaba. Pero hindi na ito ang dati, dahil malaki na ang pinagbago ng lahat. Kung dati nagtatago-tago lang kami pag ginawa ang misyon ngayon may sasakyan na kami para magawa ng maayos ang trabaho namin... Bukod sa sasakyan, binigyan din kami ng Uniform ni Knight bilang isang patunay na nagseserbisyo kami kahit hindi naman alam ng iba o sa kataas taasang tao. At sa iba pang kagamitang panglaban ay meron narin kami...

Sa totoo lang, Kahit biniyayaan kami ng magandang talento kaming lahat ay gusto talagang maging sundalo. Kaya nabuo ang grupo namin nuon bilang isang team at pinangalanan naming SUGPO BROTHERS pero nasira ang lahat nong biglang umalis si Knight kaya nawalan kami ng pag-asa at ngayon na nag balik na siya tila ito narin ang panimula ulit. At malaki pa ang nagbago dahil kakaiba na kami ngayon.

Sa Oras nato, sinubukan kung kontaken si Knight pero hindi siya sumasagot! siya lang ang nag iisang pwede naming makuhaan ng sagot pero tila hindi namin magawang makausap siya. Hindi ko alam at ng kasama ko kung ano na ang nangyari sa kanila. Pero hindi ko na kailangan isipin pa, dahil siguro nga ay abala din sila sa ibang gawain. Tsaka isang bagay narin na may ibang araw pa para dito.

"So anong gagawin natin ngayon!? si Kurt.

"Kung hindi natin ma contact si Knight, maaaring puntahan natin sila bukas! Sabi ko.

"Puntahan!? Yumi? dilikado nga! sabi naman ni Knight na maghihintay tayo sa sasabihin niya dibah!? Si Dabs.

"Kaya nga! Tsaka may oras pa tayo jan Yumi!? wag tayong padalos dalos! dagdag namang sabi ni Samantha.

"Tsaka hindi mo rin iniisip yung kapakanan mo! Kung kikilos ka ngayon!? sinong mag aadjust!? at tingin mo hindi kami mag aalala? tsaka isa pa kung may balak kaman na pumunta bukas! hindi ka rin namin papayagan. Mas mabuti nang nagtatago tayo ngayon! Nagsalita naman ng seryuso si Rex, tila tinuturuan niya ako, naiinis ako pero tanggap ko naman. Alam ko yung punto nila.

Wala naman kasi akong maisip na iba, tsaka nagbabakasakali lang din, pero iba naman kung makapagsalita sila sa akin, tila bang wala na akong gagawing tama! Pero ayos narin yun di ko naman didibdibin.

Nag-usap pa kami lalo patungkol sa nalaman naming lumabas nanga sa lungga ang ama ni Knight, Kasama ng mga kapatid niya... Natukoy narin namin kung saan sila nagtatago, mahabang storya para ipaliwanag pero nagtatrabaho din kami sa gabing iyon! Lahat ng bakas kuhang kuha namin! at salamat narin kasi umaayon ang tadhana sa amin.

Pero may isang problema lang... tila napansin kami... At sa totoo lang ako lang ang may alam nito, dahil nong sa oras na ginawa namin ang misyon tingin ko talaga may nagmamatyag kaya malakas ang takot ko. Hindi ko naman inisip dahil Alam kung Police siya pero tila kakaiba ang kilos niya... Wala akong magawa non kaya iniwasan ko na.

Habang mahaba pa ang oras na kailangan namin gawin, tila hindi namin makaya na hindi mapagod kaya naman ay nagpahinga na kami.

"KNIGHT POV"

Sa oras nato hindi ko kayang kumalma! wala sa isip ko na maging kalmado lang. Dahil pumapasok sa isip ko na baka ito na ang oras na kunin sa akin si Kuya... Pasalamat nalang ako na sa gitna ng kalagayan niya may pagkakataon pang muling maayos ang lahat.

Nong sa oras na nag-iiba ang kilos ni kuya akala ko duon na siya babawian ng buhay. Pero hindi, Kaya siya nagkakaganon ay dahil hindi makontrol ng katawan niya ang isang bagay na kung saan umiepekto na ang gamot na itinurok ng amak namin sa kanya. Na kung saan deretso ito sa utak na nagkokontrol sa isip mo na gawin ang bagay na dapat hindi dapat gawin. At buti nalang may gamot para maibsan ang gamot nayun.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now