CHAPTER 30

6 2 1
                                        

"DARK POV"

Sino bang umasa na magiging mabait pa ako sa kabila ng lahat? Pagkatapos ng kaganapan sa buhay ko, ni minsan hindi ko na maramdamang may halaga ako. Wala akong maisip kung hindi ang ipakita ang kung anong merong kakayahan ko.

Sino ba ako? ...  Hindi ko alam kung ano ano ko sila! ang akin lang ay nabuhay ako dito. At may ibig-sabihin ang pagtira ko dito, at hindi basta basta yun. Ahhh. Alam ko na, Ako ay isang kauri nila... na kahit kailan walang sino man ang pwedeng magbago.

May halaga ba ako? Bakit sa dinami dami ng buhay na tinahak ko, ito pa ang binigay sa akin? Saan ako lulugar? Kung bawat galaw ko ay sasabihin nilang mali!? Naguguluhan ako, tila hindi nila ako nagugustuhan bilang ako. Sino nga bang may gusto sa isang taong mamamatay!? Hahahhaah! walang kwenta.

May tatanggap Ba sa akin? Sino naman kaya? Wala naman siguro... dahil ang isang kagaya ko ay wala nang mararating sa buhay. At itong mga kasama ko dito tila hindi ko alam kung importante pa ako sa kanila, ang hirap tanggapin ang buhay na ganito! Nagtatago, natatakot, lumalaban, nahihirapan ang sarili sa paglayo!

Wala nga ba kaming mga puso? sabi nila, mga halimaw kami!, wala kaming mga puso!, kung iisipin ko? mukhang tama naman sila... may puso kami pero wala kaming puso! Gets niyo? dahil ako gets na gets ko... Sabihin nalang nating.... may puso ka, Pero pag nagawa mo ang isang bagay na tingin ng lahat ng mga tao ay mali, sasabihan na kanila na maling gawain yun. Pag pumapatay ka naman, ay malaking kasalanan nayun... dahil pumapatay ka ng kapwa mo tao... kaya sa lahat ng bagay na mali hindi ka makakaligtas sa mata ng mga tao dahil bawat sa kanila.... mapanghusga.

Sino nga bang pipigil sa akin? Gagawin ko ang gusto kong gawin. At magagawa ko yun ng mag-isa. Wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng iba, dahil kong may opinion sila ay may opinion din ako... kaya patas lang ang lahat.

Magulo ang mundo at mahirap unawain, pero sa kabila ng lahat? dumagdag pa ang mga tao, kaya mas lalong magulo. aksidente duon, patayan dito... sa lahat ng kriminal sa buong mundo lahat may pag-asa pero hindi lahat nabibigyan. Dahil mas pinili nilang lumaban kahit alam nilang mali sila.

Kung alam niyo? Wala naman talagang kwenta ang Ama ko! Oo, naging ama ko siya pero sa isang kondisiyon! Tanga ba siya? Bakit niya pa ako pinapanganak kung bibigyan niya ako ng kondisiyon para maging ama ko siya? Bobo talaga!

Siya ang tunay na baliw sa aming lahat, at kahit kami nawawalan narin ng pag-asa kaya wala na kaming ibang gawin kung hindi ang tanggapin ito. Pero alam niyo? wala na kaming paki sa isat isa... matagal na kaming nagtatago, at isa sa amin gusto ng makaalis sa demonyong buhay nato!

Kaya, kung may lalabas natatakot din dahil baka hindi namin alam ay nakaabang na ang mga police at di namin namamalayan bukas, patay na kami. Ako? tch! bahala nang mamatay! wala namang puwang ang buhay ko para mabuhay! Kaya patay kung patay.

Wala naman nagmamahal sa akin, at hindi ko na maramdaman yun sa sarili kong pamilya... at may isa akong naaalala, tila importante siya sa akin... at siya lang ang nagbigay sa akin non. At gusto ko siyang makita. Pero sabi ng papa ko? nilayo siya ng kapatid ko! dahil ayaw akong makita ng kuya ko, at gusto niyang agawin ang pagmamahal ng ina ko. dahil naiinggit siya sa akin hindi ko na makita ang ina ko.

.
.
.

"Nasaan ka nga ba kuya? Sampong taon tayong hindi nagkikita! siguro namimiss mo na ang kambal mo! kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad sa tahimik at madilim na lugar, pagkat gabi na.

Tiningnan ko ang Relo ko, at sa gabing ito 6:21 na. Nababagot pero ayos lang ako... hindi ko kaya na hindi magawa ang lumingon lingon sa likod ko, baka hindi ko alam may sumusunod na sa akin... mahirap na baka mahuli pa ako.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now