CHAPTER 16

4 8 0
                                        

After 10 Years...
June 15, 2011

Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko! Ang matapos ko ang college ko. Masayang nagsamasama at masayang sa wakas wala ng lungkot, pangamba, takot at pagsisisi... Pero ang naging resulta! sa akin napunta!

Anong dahilan ito? Sa gitna ng kasiyahan ko bakit ako ang pinabibintangan! Bakit ang saya ay bumalik sa pagkalungkot! Bakit ito nangyayari?

Nang magtipon kami ng mga kaibigan ko kasabay ang pangalawa kong tatay na nagligtas sa amin kay papa at si mama, kasabay din ng mga ina ng kaibigan ko,sabay kaming ngumiti ng kinuhaan kami ng larawan. Pero ng pagkatapos ng pagkatapos ng iyon, nahagip sa mata ko si papa!

"Yumi?  sabi ko kay Yumi habang tinititigan ko ang katawan ng papa ko at di kumukurap.

"Ano? --anong meron? sino yung tinitingnan mo diyan? sabi niya.

"Yumi? Halika picture tayo! tayong dalawa! rinig kong sabi ni Rex pero hindi ko parin inalis ang mga mata ko sa nakita ko.

"Sigeh! ---ahm, knight magpapapicture lang kami, diyan ka muna. sabi niya pero hindi ko pinansin.

Habang hindi ako mapakali, sigurado akong si Papa yun, Paano niya kami nasundan dito.... tila panganib nanaman ito! hindi ko talaga inalis ang mga mata ko habang hindi kumukurap at tila galit na galit na ako ngayon. agad kong pinuntahan si mama.

"Mama!?  Kailangan na nating umalis dito.takot na sabi ko.

"Bakit kuya? anong nangyari!?

"Nakita ko si papa! nagmamatyag siya at sigurado akong siya yun!

"Ano? paano kayo nasundan dito! gulat namang sabi ni Tay Erneng.

"Hindi ko alam!

Natatakot ako sa ano mang pwedeng mangyari, kahit sa laki ng kinarorooanan naming ngayon nasundan parin niya kami dito, at sigurado akong binabantayan lang kami sa labas... Pero ito pa ang mas nakakagulong pangyayari! May mga police ang biglang pumasok at siguro nga ay para proteksiyonan kami, pero nagkamali ako dahil ako ang hinuli nila.

Nagkagulo ang lahat ng dinampot ako, maraming nagtanong at naguluhan ang isip, maraming sabi-sabi na hindi ko rin alam, Hindi rin makapaniwala si mama lalo na ang mga kaibigan ko pati ang kapatid ko! Napaiyak naman ako habang dinampot nila ako, na kahit anong paliwanag ko hindi sila naniniwala, dahil pinalilibutan nila akong lahat! At Wala akong magawa... ng tinignan ko ang mga taong nakapaligid sa akin tila nahihiya ako at nawalan ng pag-asa, dahil sa maikling kasiyahan, nawala nalang bigla at di ko inaasahan!

Kahit ano pang pagpipigil ko, wala paring katibayan iyon! Ako ang isinisisi nila bilang killer!

Takot na Takot ako ng ipasok ako sa madilim na rehas na ako lang mag-isa na tingin ko ito ang kulungan ng mga killer, pero bakit ako? wala naman akong ginagawa? Tila nagkamali lang sila! Hindi ito maaari! Hindi ko na nakita si mama at ang kapatid ko dahil inilayo sila sa akin dahil naniniwala silang isa akong mamamatay tao, hindi rin naman matanggap ng mama ko gawin nila sa akin iyon! Kaya naisip kong isa lang ang dahilan nito! Si kuya! at ang kakambal ko!

Dalawang araw ang lumipas, Hindi ko na matiis ang nangyayari sa akin, hindi ko kaya to! bakit nila ito ginawa sa akin? Siguro naman malalaman nilang hindi ako ang tunay na mamamatay!

Nitong araw lang, maraming taong idinidiin sa akin na dapat kamatayan ang parusa sa akin dahil sa pagpatay ko sa mga mahal sa buhay nila. Laking takot ko ng ako ang isinisisi nila pagkat hindi ako ang may gawa! Kung marami sila, sigurado ako iba't ibang pamilya na ang nasawi ng papa ko. Anong dahilan nila para gawin nila iyon! Talgang halimaw ka papa! wala kang puso!

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now