CHAPTER 12

12 8 0
                                        

MAY 24, 2000

Nong araw na nakalaya kami sa madilim na pamumuhay namin kay papa, naging maayos ang unang araw namin, subalit hindi parin mawala ang takot at pangamba namin kung sakaling matunton kami ni papa. Isang bagay pa ang ipinag-aalala ni mama ay ang mawalay kami sa kanya. Ilang araw din kaming naninirahan sa lugar kung saan tahimik at mapayapa.

Kahit pa naging maayos ang buhay namin ngayon, hindi naman mawala ang tanong ng dalawa kong kapatid kung bakit kami kailangang lumayo kay papa... hindi rin masabi ni mama ang totoo dahil hindi niya alam kung paano niya sabihin at ipaliwanag ang lahat, at baka ito pa ang dahilan para magkagulo kami.

Sa tatlong araw na lumipas, nagbukas sa amin ang negosyo kung saan isang mabait na tao ang nagbigay sa amin. Nakapagsimula agad kami at kasalukuyang ito na ang naging trabaho namin.

Dumaan pa ang araw, ay naging kampanti kami sa aming araw araw na pamumuhay... At sa oras nato... dito kami muling sumaya.

Habang nagluluto si mama, inutusan niya ako na bumili na sangkap niya dahil siguro'y naubusan siya. Ginawa ko naman ang utos nayon ang mahirap lang malayo ang mga tindahan dito.

Tatlumpong minuto ang nilakad ko, at tila kung lalakarin mo ay hindi ka magdadalawang isip na magpahinga...

                        ~~~~~~~~~~~~~~~

"Macky, kunin mo nga yung kutsilyo! bilis!

"opo mama!

"Ikaw naman diyan, Jack? bilisan mo yung paghuhugas mo... dumadami nayung kustomer natin!

"Mama! pagod na ako... ni hindi nga ako nakapagpahinga eh!  at bakit natin to ginagawa!? hindi naman ganito nong meron pa si papa sa tabi ko eh! ang hirap naman nito!

"Bawain mo yung sinabi mo! dahil hindi mo alam kung gaano ka demonyo yung papa mo! At una sa lahat wag na wag mo akong sasagutin ng ganyan!

"Ayuko na! pagod na ako... Ipatapos mo nalang yan sa paborito mong anak!

"Jack! bumalik ka dito! jack! jack! hayst buw*sit talagang batang yun!...

"Mama ako nalang ang gagawa.

"Mm. sige... pakibilisan mo! mamaya bibilhan kita ng gusto mo...

"yehey! ito na po yung kutsilyo....

Bumalik naman agad ako at ibinigay kay mama ang pinabili niya. At nakita ko si Macky na siya ang naghuhugas ng pinggan at dumadami narin ang kumakain sa karenderya namin.

Ilang oras pa ang lumipas, Tila hindi ko na maiwasan ang mapagod dahil sa paikot-ikot kung galawa para lang mabigay ang mga order nila... Habang si jack wala namang ginawa kung hindi ang gawin niya ang bisyo niya.

"Jack! tumulong ka naman saglit! sabi ko sa kanya ng mahinahon

"Tingin mo gagawin ko yung sinabi mo!? ikaw nalang pagod ako. walang kwenta niyang sabi.

"Pagod? talaga!? e ilang oras ka lang nakahiga diyan eh.

"May paki-alam ka ba sa ginagawa ko!? huh!? Pwede ba? umalis ka sa harapan ko. napatayo siya at pinagsabihan ako.. parang naaalala ko ang boses ni papa sa kanya lalo na ang ugali niya.

"Alam mo kuya!? parang ganyan din ang boses ni papa! parang ugali mong ugali niya! sabi ko pa na malalim ang isip.

"Kinukumpara mo talaga ako sa kanya ahh! hindi ko alam kung bakit ikaw nalang yung parating tama! pero hindi ako katulad ni papa!

"Hindi ko naman sinabi na-----

"tama na! umalis ka sa pagmumukha ko ngayon din!

"Jack!? nag-aaway nanaman ba kayo!? pangalawang beses na yan ah! Knight balik sa trabaho mo! umalis din ako kaagad, ganito ako pag galit na si mama ewan ko pero takot ako sa kanya pag nagalit siya.. matindi kasi siya magparusa sa amin... pero hindi kagaya ni papa na parang hindi ko magagawa ang kung ano mang ipapagawa niya. 'at ikaw naman linisin mo yung kalat duon! At ayusin mo yang pag-uugali mo... dahil hindi yan bebenta sa akin... at sa ayaw at sa hindi mo gagawin ang utos ko, gagawin yun at mapipilitan ka! ngayon din!

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now