CHAPTER 26

3 8 1
                                        

<<<<<FLASHBACK<<<<<<<

Noon, Habang nag-aaral pa si Knight at Zoren. Natapos na ang klase at uwian na... Habang naghahanda na si Knight sa kanyang bag at ang laman nito ay agad siyang nakita nang guro ni Zoren.

Kinausap siya nito at agad namang inalam ni Knight.

"Knight? andito ka pa pala? Pwede bang pakisabi sa kuya mo na, Pumasok na siya sa klase ko.. kung papasok din kasi siya wala rin siya sa susunod na oras. Pakisabi narin sa mama mo hah!? pakisuyo na sabi ng guro niya.

"Opo ma'am Lorena. sagot naman agad ni Knight.

Maya maya pa, Padaan na si Knight nang makita niya ang Kuya niyang binobogbog ng mga kaklase nito.

"Kuya! --Tigilan niyo nga yan!, Tumigil na kayo... Pagmamadaling sabi ni Knight at tinulungan niya ang kapatid niya.

Gusto mang tumulong ni Knight pero maski siya ay hindi niya magawa... Nakatulong naman siya sa pag-iwas ngunit siya naman itong sumunod na pinaglalaruan at siya naman na ngayon ang nabogbog.

"Ba't ka ba nandito? Hah! galit na sabi ng kuya Zoren niya.

"Kuya inaapi ka nila eh! sabi ni Knight.

"Umalis ka nga, ayos lang ako! galit parin si Zoren.

Nang sinabi ni Zoren ang salitang iyon, ay doon na kinuha si Knight ng mga bomogbog sa kaniya.

"Gusto mo palang makialam hah! tignan natin ang tapang mo! sabi nong isa.

"Eh gusto panga niyang tulungan yung kuya niyang adik eh! sabi rin nong isa pang kasama.

"Sabi nang hindi ako adik! galit ni Zoren nang marinig niya ang sinabi nong isa.

Nang paluin na si Knight sa ulo nong isa pang kasamahan ng mga yun, na muntikan na talagang maangyari ay agad na tinakpan ni Zoren si Knight at siya ang natamaan nito sa likod ng katawan niya.

Natulala si Knight ng makita niya iyon, nakatitig lang siya sa kuya niya at nakaramdam ng takot sa sarili, Habang si Zoren ay namimilipit lang siya sa sakit at napuno na siya ng galit ngayon.

Kahit pa sa lakas ng hampas na iyon, Sakit lang ang naramdaman ni Zoren. At agad niyang hinarap ang bumogbog sa kaniya. Pero natakot na ang mga ito at nagtatatakbo.

"Kuya!? si Knight.

Mga ilang sigundo ang lumipas saka sumagot si Zoren sa kanya.

"Bakit ka ba nagpapakita dito!? galit ni Zoren.

"Kuya nakit ko lang naman na binobogbog ka nang mga yun kaya ako nagmadali na pumunta rito. Paliwanag ni Knight.

"At bakit? natulungan mo ba ako!? Hindi dibah? at ngayon nasaktan ka pa! tingnan mo yang mukha mo!? galit na sabi ni Zoren.

"Ayos lang naman ako kuya! mahinahong sabi ni Knight. "Ikaw kuya ayos ka lang?" dagdag na sabi ni Knight.

"Hindi! kahit kailan hindi na ako magiging maayos pa! at dumagdag ka pa ngayon! Knight hindi sa lahat ng oras maproprotektahan kita!? kaya wag ka nang magmagaling dahil hindi ka magaling. sabi ng kuya niya. tsaka umalis.

Doon naisip ni Knight na kaya pala ng kuya niya na protektahan siya, at doon niya na isip na kayang mag-alala ng kuya niya sa kanya o sa kahit sino. Na sa kabila ng lahat ng mga ginagawa ng kuya niya na laging nag drugs kahit sa siyam na edad palang ito, at isa pa na lagi ring nagsisigarilyo, Ay may damdamin parin pala ito.
.
.
.
.
Sa pangyayaring ito, ay naging masaya si Knight dahil sa ginawa ng kuya niya sa kanya.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now