"KNIGHT POV"
Pagkatapos kong magising, sinubukan kong tumayo ng makaya ko nang gumalaw pero ng napansin ko ang pintuan na parang may papasok ay nagulat agad ako at bumalik sa posisyon ko at naisip kong magtulog-tulugan. Hindi ko lang maisip kung anong gagawin ko kaya naman yun nalang ang ginawa ko.
Hindi ko alam kung sino ang pumasok basta ang sa akin lang hindi ako mahuli na pinipilit ang sarili na lumabas. Pero pansin ko 'ata si nurse lang ito, kaya hindi na ako kinakabahan. Rinig kong may nilagay siya at ramdam ko ang pinagmulan nito kasi mapapansin mo ang boses ng isang plastic.
Maya maya pa, umalis na siya... napadilat agad ako at tinignan kung ano ang nilagay niya. At gaya ng mayayaman pag nasa hospital ang kaano-ano nila dinadalhan agad ng kung ano-ano at ang nakita ko lang naman ay isang basket na puno ng prutas... Ano naman kaya ang gagawin ko dito? kung para sa akin 'to, bakit hindi ko kakainin? Basta, titikim lang ako ng apple nato!
At gaya ng napag-isipan ko kanina, ay may balak nanaman akong tumayo at lumabas sana dala-dala yung nakakonekta sa katawan ko, hindi ko naman alam kung anong pangalan nito basta nakakonekta siya sa katawan ko!
Habang kinakain ko yung apple nasa harapan na ako ng pinto, nang pag bukas ko..... nagulat nalang ako ng makita ko si............. Zelle. Nagtitigan muna kami pero bakit sa nagulat ako ay mas gulat na gulat siya? At akala ko iniwan na niya ako dito? Nandito pa pala siya? O kaya naman galing siya sa trabaho at pinuntahan niya ako... Ahhh kaya pala nandito rin si General kaya nagbalak narin siyang puntahan ako dito.
Wala naman akong ibig-sabihin siguro gusto niya lang akong makita kung ayos naba ako.
"Ayos kana? agad na sabi niya, na tila kitang kita sa mga mata niya na nahihiya siya.
"Ahm, nakangiti lang ako sa sinabi niya... "Oo nama! ok na ako. sabi ko pa.
"Buti naman at ayos ka na. napangiti niya pang sabi.
"Maayos-ayos naman ako, medyo may masakit lang pero kaya ko nang maglakad at igalaw ang katawan ko.
"Mabuti narin yan, Maayos ka na nga tumayo ka na nga e.. Saan ka pala pupunta!? Natanong niya, na tila naunahan niya akong ibahin ang usapan.
"Ahhhhh...., Mag- Ahm.... ---Mag----si.... CR! Oo, mag C-CR ako...
"Ganon bah, sigeh na baka maihi ka pa diyan... nagulat pa siya at tumabi para padaanin niya ako.
"Nakoh Hindi na!, Nawala narin kasi kaya wag na... ayos lang ako... Ahm... Umuwi ka na ba? sabi ko.
"Huh!?
"Sabi ko nakauwi ka na ba?
"Ahm... Hindi pa... kanina nakausap ko si General, pagkatapos nakatulog na ako, at diko na namalayan mag-uumaga na, kaya binalak ko narin na puntahan ka dito kung ayos kana, at yun nanga... Mabuti nayong kalagayan mo... kaya masaya akong maayos kana...
"Salamat!
"Para saaan?
"Para sa pag-aalala mo sa akin...
"Nako, alam mo naman pag importante yung tao sa akin nag-aalala talaga ako. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kanina nong mahimatay ka duon sa nangyaring hulihan.
"Ganon bah!? Totoo yun? ang sarap naman pakinggan na importante ako sayo, at nag-aalala ka pa para sa akin... kaya naman sa susunod hindi ko na gagawin yun! at mag-iingat na ako! kinikilig na ngumingiting sabi ko!
Hindi ko maramdaman ngayon kung anong naramdaman niya tungkol sa mga sinasabi niya sa akin at ang mga sinasabi ko sa kanya at tila ako lang yung halata na masaya sa tabi niya, e kasi naman ang sarap pakinggan ang mga sinasabi niya.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Randomlove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.