"ZELLE POV"
Gusto ko nang magmadali pero hindi parin nawala sa isipan ko ang lalaki kanina na naka black. Parang pumapasok sa isip ko kung sino siya. Tila kapansin pansin ang suot niya. Parang nakikita ko na siya nuon!
Agad naring naparito sina Yaya Mel at tapos na kaming bumili... Pabalik na kami sa loob ng hospital at naghihintay nalang na makadaan sa kalsada pagkat marami pang sasakyan ang dumadaan.
Walang ibang pumasok ang isip ko kung hindi ang lalaki kanina! Para talagang siya yung lalaki nong pinatay ang mga magulang ko... Tila si Edeson ang nakita ko kanina. Kung nagkataon na namukhaan ko siya kanina... Hindi ako magdadalawang isip na lumaban at hulihin siya. Pero hindi... O kaya naman namalikmata lang ako.
Nang mag green light ay agad na kaming maglakad, Sa mismong lugar ng Hospital ay papasok na kami ng biglang may humaharorot na kotse kaya napalingon kaming lahat. Bumubusina ang kotse ng malakas at may nabangga siyang isang kotse at isa motor at bigla itong napailaw ng malakas Nang bigla ko ring mamukhaan ang Edeson na yun! Ang ama ni Knight!
Nagulat ako dahil sa ilaw na yun ay nakita ko siya, nagkagulo na ang lahat pero hindi parin ako kumurap at tinitigan ko lang siya sa malayo at alam kung siya yun! Nagulat ako, natakot at nangamba! Sa haba ng panahon ngayon lang siya lumabas at nagpakit.. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya.
Nagsitakbuhan na ang mga tao at tinignan ang pangyayari pero ako lang ang walang paki-alam...
"Edeson Quintano! Napasabi ako at napahinga ng maluwag... bakas ang galit ko sa mukha at tila mapapaiyak... Bumunot ako ng baril at gusto siyang habulin.
.
.
."KNIGHT POV"
Agad na kaming domeretso ni Mama sa loob ng kuwarto ni kuya, at pagpasok pa lang naman ay napaiyak na siya... Habang nakasunod ako sa kanya ay napaiwan nalang ako sa pintuan at naging emosiyonal narin.
"Anak ko!!... Agad na punta ni mama sa gilid ng kuya ko, at nagdadalawang isip pa siya na hawakan ang mukha ni kuya habang napapaiyak..
"Kay tagal kitang hinintay! Ang tagal ng panahon na ngayon lang kita makikita ulit! at ito pa ang kondisiyon mo! iyak parin ng iyak si mama, at hindi na siya nakapagpigil pa na yakapin si kuya.
"Mahal na Mahal kita anak ko! Miss na miss kita... Kahit ako ay napapaiyak narin sa sinabi niya.
"Mama, patawarin niyo po ako... sabi ko ng lumapit sa kaniya.
"Ano! wala kang kasalanan Knight! Ang papa mo ang pulo't dulo ng lahat ng ito... hindi ikaw. sabi ni mama.
"Pero parang dahil sa akin, nangyayari ito lahat. Parang sinisisi ko ang sarili ko. Sabi ko habang napaiyak narin.
"Hindi!. Wag mong isipin yun! Hayaan mo... sa oras na magising ang Kuya mo, hindi na ako papayag na magkakalayo na tayo ulit... at babawiin natin ang iba mo pang kapatid. sabi ni mama at niyakap ako pagkatapos.
Hindi na ako makapagsalita pa at niyakap ko narin siya. Dalang dala ako sa emosiyon ni mama at ang sarap sa damdamin na parang may bumalik na saya sa akin. Pero parang may kulang. Wala akong ibang magawa kung hindi ang damayan si mama...
"Siguro nga rin Knight! kasalanan ko din to! Dahil hindi ko kayo naayos ng magkagulo kami ng Ama mo! Kung alam ko lang nuon na may masama na siyang gawain ay dati ko na kayong itinakas sa kanya... Pero naging huli na ang lahat! ng unti unti na kayong nawawala sa piling ko! At akala ko noon ay nagsasama sama lang kayo para sa ama mo! pero hindi pala! dahil ginawa kayong katulad niya. Kung maaga ko lang nalaman yun... hindi na ito nangyari pa. Pero naging tanga ako.... hindi ko kayo naramdaman. Kaya patawarin niyo ko mga anak ko... Sabi ni Mama na tila siya pa ang nagsisi sa mga nangyari... at naiintindihan ko siya... Pero sa lahat ng sinisi ko ay walang iba kung hindi ang Ama ko.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Acaklove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.