Chapter 23

4 8 0
                                        

"ZOREN POV"

Pambihirang buhay to, kahit anong gawin ko! wala akong takas... Ibang landas ng buhay ang pinili ko, at hindi ko kayang makita at panoorin ang sarili ko nang ganito. Noong una ako naman ang inaasahan ng ama ko, ngayon parang baliwala nalang ako sa kanya, ewan ko pero kahit anong pagmamagaling na ipinakita ko sa kanya wala parin akong kwenta! Kaya galit na galit ako!

Wala ba akong kwenta? O sadyang masama lang ako at walang puso! Bata palang wala na akong respito at galang! Sumasagot sa ina, nanlaban, namumura ng nakakatanda sa akin, at wala akong paki-alam sa nangangailangan sa akin! Lahat sila tingin ko mahihina ang mga utak nila dahil mas pinapairal nila ang kabaitang Hindi naman bumalik sa kanila. Siguro nakain lang ako ng galit ko. Kahit na sa murang edad napapaaway na ako, Sa skwelahan, sa bahay, sa kapit bahay, at sa mga kanto kanto wala akong takas!.

Anong klase akong panganay! Walang kwenta? Walang Modo? Walang utak? O kaya naman isang demonyo? at ang madalas nilang sinasabi..... na isa akong mamamatay tao! na isa akong halimaw! Na hindi nila alam, dahil iyon sa papa ko.

Sa murang edad gumamit na ako ng bawal na gamot, nadala sa mga adik na taong nakasalamuha ko, walang kalaban laban kaya napatikim ako hanggang sa nakaugalian ko na. Tumigil naman ako pero duon rin nag-umpisa ang lahat na bumalik ang naumpisahan ko ng sinimulan ng hayop kung ama ang pagiging mamamatay tao!

Sabi niya, kung magagawa ko ang ipapagawa niya, magiging paborito niya akong anak at ituturi niya ako na mas angat sa kanya, Sa huli hindi ko kaya ang ipinapagawa niya! Hindi ko naman gusto na pumatay ng tao, Pero sa umpisa palang nakayanan ko rin ang ayaw kong gawin dahil napilitan akong gawin yun! Mahirap ba akong tanggapin bilang anak? Kailangan ko bang gawin iyon para lang maging tunay niya akong anak? Ang hirap ng sitwasiyon ko! Napakahirap.

Saan ako lulugar? kung hindi ko na makontrol ang sarili ko na gawin ang bagay na tingin ng iba ay masama! Masama naman talaga at sinasabi kong napakahalimaw ko para gawin iyon!

Pero alam niyo? Nagsisisi na ako ngayon! pero huli na, hindi ko na mabago ang sarili ko, at kahit na gusto kong baguhin ang sarili ko hindi parin mawawala iyon! patuloy parin akong kakainin ng madilim kong nakaraan. Kaya ang magagawa ko? tapusin ang naumpisan ko...

Kinasusuklaman kong naging ama ko siya, At bakit naging Ama ko siya? Bakit!? Sa totoo lang gusto ko siyang patayin ngayon! Gusto kong ipakita sa kanya kung paano niya itinuro sa akin ang maging ganito!

Hindi ako mababaliw na pumatay ng tao, kung hindi iyon ginawa ng papa ko! Hindi ko alam pero nakokontrol ang utak ko na gawin ang bagay nayun! na parang pumasok sa utak ko na..., kapag gawin ko ang bagay nayun! mabibilib na sa akin ang Papa ko!

At alam niyo? Gusto ko lang naman mapansin ng pamilya ko na maging proud sila sa akin, na magaling ako, Na kaya ko lahat, The best ako, At walang disappointment na matatanggap nila sa akin! Pero hindi, Hindi ganon ang buhay... minsan madaya, minsan nakakampihan tayo ng tadhana! Pero minsan huli narin ang lahat!

Kahit na gustuhin ko mang magbago? baliwala nayun lahat! Dahil Masama akong tao... Sana minsan maisip din nilang importante rin ako sa kanila... Dahil lagi nalang ako napapasama! Tanggap ko naman... at hindi ako naghihinayang na maging ako ang sarili ko!

Sana kayo din.......

"JACK POV"

Ako?, Nagagalak akong makilala ko kayo... Pero maski pamilya ko? hindi ko sila naramdamang maging ganon sa akin. Dahil ako ang anak na walang kwenta! Tingin ko hindi ako yung pinakamahal ng lahat.

Dahil kahit pa ganito ako, lagi akong pinapagalitan, kinukumpara sa iba, at lalo na yung nagsisisi silang naging anak nila ako. Bakit sa aming magkakapatid ako yung hindi nakitaan ng potential, kahit pa kinakampihan ako ni papa sinasabihan rin akong walang kwenta, ang sakit sa feeling na parang walang may gusto sayo! ano bang dapat kong gawin para mabigyang pansin ang sarili ko?

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now